Tuesday, March 24, 2026

AUTOPHAGY "PAGKAIN SA SARILI"

AUTOPHAGY, na ibig sabihin ay " pagkain sa sarili."

Kaya sa susunod na maramdaman mo  ang banayad na gutom bago ang susunod mong kain, alalahanin mo na inaayos na ng katawan mo ang sarili nito, mula loob palabas.

1. Nirerecycle ng katawan ang mga cells. Inaalis nito ang luma at sirang bahagi kahit ang possibleng maging cancer cells.

2. Bumababa ang inflammation kaya nababawasan ang pananakit ng kasukasuan at kumakalma ang bituka.

3. Tumataas ang growth hormone. Pinoprotektahan nito ang kalamnan habang tinutulungan ang pagsunog ng taba.

4. Mas maraming BDNF ( Brain-derived neurotrophic factors  ) ang ginagawa ng utak. Ito ay protina na nagpapatalas  ng memorya at focus.

5. Nagiging mas stable ang insulin levels. Kaya mas natural na nababalanse ang blood sugar.

6. Lumalakas ang immune system. Nililinis nito ang mahihina o infected na mga cells sa katawan. 

Ito ang dahilan kung bakit ang intermittent fasting, o kahit simpleng twelve hanggang sixteen na oras na overnight fast, ay inuugnay sa mas malusog na puso. Mas maayos ang metabolismo. Mas malinaw na balat, at mas mabagal na pagtanda ng cells parang binibigyan mo ang katawan mo ng full -service detox-walang pills, walang mahal na cleanse.

No comments: