Let me give you a good tip.
Pinakabasic at pinakaunang malelearn mo sa trading ay ang SUPPORT and RESISTANCE.
I want to give you a tip about S/R.
Hindi mahalaga kung ano ang definition mo sa support at resistance kasi madaming version yan.
May iba na "zone" or "area" ang support at resistance at hindi isang price level lang.
May iba naman na sa support nagbibilihan at sa resistance nagbebentahan.
Para sa iba naman ay support ang level kung saan wala nang gustong magbenta pa. Resistance naman ang level kung saan wala nang gustong bumili pa.
Anuman ang definition mo ay okay lang yan.
Let me just give you a tip.
Sa break ng resistance ka maglong. Sa break ng support ka magshort.
Kung sa PSE stocks na usapan naman ay sa resistance break ka bumili.
Its not na pagnabreak ang resistance ay matic lilipad na derecho ang price.
Walang ganun bes..
Ang iniiwasan mo ay yung akala mo naghold na ang support yun pala few hours or few days after binasag niya ang support at gumawa ng bago na low.
Daming traders na ang nabiktima ng "major support ito at maghohold ito" then boom! Naghukay pa lalo ang price.
Im giving you this tip para mafast forward na learning curve mo.
I hope this helps. Trade well🥰
No comments:
Post a Comment