LOW CARB IS A TOOL, NOT A RELIGION
napapansin ko minsan parang nagiging RELIGION na ang pagkain.
may rules.
may bawal.
may “kasalanan.”
kapag kumain ka ng kanin…
“nako sira na diet mo.”
kapag may carbs sa plato mo…
“carb addict ka!”
parang may moral judgment na agad.
pero ang totoo?
food is not religion.
nutrition is not morality.
LOW CARB IS A TOOL.
at tulad ng kahit anong tool, ginagamit siya kung kailan siya nakakatulong.
hindi siya dapat gawing lifestyle na puno ng takot.
lalo na kung nakatira ka sa PILIPINAS.
kasi kung tutuusin filipino food culture was never designed for EXTREME dieting.
kanin sa umaga
kanin sa tanghali
kanin sa gabi
birthday parties
fiestas
family gatherings
handaan
food is part of connection.
part of culture.
part of everyday life.
kaya kapag ang approach sa pagkain ay sobrang higpit…
zero carbs
no rice forever
lahat ng carbs “poison”
maraming tao ang hindi nagtatagal.
hindi dahil mahina sila kundi dahil hindi siya SUSTAINABLE.
isipin mo kung ang diet mo ay kailangan mong iwasan ang halos lahat ng pagkain sa paligid mo…
gano katagal mo siya kayang gawin?
isang buwan?
tatlong buwan?
isang taon?
pero kung ang goal ay HEALTH kailangan flexible ang approach.
hindi ibig sabihin na walang control.
hindi ibig sabihin na kain ka lang ng kahit ano.
ang ibig sabihin lang:
you use low carb strategically.
for example:
kung mataas ang sugar mo
kung kailangan mong magbawas ng timbang
kung palagi kang gutom dahil puro refined carbs ang pagkain mo
low carb can help.
pero hindi ibig sabihin zero carbs forever.
hindi ibig sabihin bawal na ang kanin habang buhay.
minsan ang kailangan lang ng katawan ay mas maraming protein.
mas maraming whole foods.
mas kaunting liquid sugar.
mas kaunting ultra processed food.
mga simpleng adjustments.
hindi extreme rules.
kasi ang tunay na healthy eating hindi tungkol sa pagiging PERFECT araw araw.
it's about patterns.
patterns of eating better.
patterns of choosing whole foods more often.
patterns of making smarter choices MOST of the time.
hindi lahat ng oras.
hindi lahat ng meal.
MOST of the time.
kaya kung naka-low carb ka, gamitin mo siya bilang tool.
tool para ayusin ang habits.
tool para maintindihan kung paano gumagana ang hunger at blood sugar.
tool para matutong pumili ng mas maayos na pagkain.
pero huwag gawing RELIGION.
health is not about perfection.
health is about PATTERNS.
at minsan ang pinaka healthy na mindset ay ito:
low carb is a TOOL.
hindi siya dapat maging RELIGION.
No comments:
Post a Comment