Monday, March 02, 2026

Tyhroid ano ito?

🛑Ang Thyroid ay maliit na glandula sa harap ng leeg na kumokontrol sa metabolismo, tibok ng puso, enerhiya, at temperatura ng katawan. Kapag may problema dito, maaaring mabagal (hypothyroidism) o mabilis (hyperthyroidism) ang galaw ng katawan mo.

➡️ Kapag Mabagal ang Thyroid (Hypothyroidism)
Mas madalas sa babae at matatanda.
👇Mga Sintomas:
Madaling mapagod at laging inaantok
Biglang pagdagdag ng timbang kahit hindi naman malakas kumain
Madalas ginawin
Tuyong balat at paglalagas ng buhok
Mabagal na tibok ng puso
Constipation
Pamamaga ng mukha o leeg (goiter)
Irregular o malakas na regla
Karaniwang sanhi nito ay autoimmune disease tulad ng Hashimoto's thyroiditis.

➡️ Kapag Mabilis ang Thyroid (Hyperthyroidism)
Mga Sintomas:
Biglang pagpayat kahit malakas kumain
Mabilis o malakas na tibok ng puso (palpitations)
Madaling pagpawisan at mainitin ang pakiramdam
Panginginig ng kamay
Nerbiyos o iritable
Hirap matulog
Madalas na pagdumi
Lumolobong mata (sa ilang kaso)
Isang karaniwang dahilan nito ay Graves' disease.

⚠️ Kailan Dapat Magpatingin?
Magpacheck-up kung:
May bukol o paglaki sa leeg
May biglaang pagbabago sa timbang
May palaging palpitations o sobrang pagkapagod
May problema sa regla o fertility
Simple lang ang test: TSH blood test para malaman kung normal ang thyroid hormones.

✅ Paano Maiiwasan ang Problema sa Thyroid?
Gumamit ng iodized salt (kulang sa iodine = problema sa thyroid)
Kumain ng pagkaing may iodine tulad ng isda, seaweed, at itlog
Iwasan ang sobrang stress
Huwag basta uminom ng herbal o supplements nang walang payo ng doktor
Regular na magpa-check up lalo na kung may family history
Itigil ang paninigarilyo

🥗 Mga Pagkaing Mabuti sa Thyroid
Isda (tuna, sardinas)
Itlog
Gatas
Nuts (lalo na brazil nuts – may selenium)
Prutas
#health #tips #selfcare #herbalife



No comments: