Hindi dahil sa tenant.
Kundi dahil sa Contract of Lease na hindi malinaw ang detalye.
Ang kontrata ang unang proteksyon ng Landlord.
Kapag kulang ang clause, doon nagsisimula ang problema.
Ito ang mga importanteng clause na dapat nasa Contract of Lease:
π 1. Rental Amount at Due Date
Kailan eksaktong babayaran ang renta at magkano ang penalty kapag late.
π 2. Security Deposit at Advance Rent
Para may pang-cover sa damages, unpaid bills, o cleaning kapag umalis ang tenant.
π 3. Maintenance and Repairs Clause
Ano ang sagot ni Landlord at ano ang sagot ni Tenant sa repairs.
π 4. House Rules Compliance
Dapat malinaw na obligado si tenant sumunod sa house rules ng paupahan.
π 5. Sublease Prohibition
Bawal ipa-sublease o ipagamit sa iba ang unit nang walang pahintulot ng Landlord.
π 6. Damages and Liability Clause
Tenant ang sasagot sa anumang sirang gamit o damage na siya ang may gawa.
π 7. Termination and Eviction Clause
Ano ang grounds para mapaalis ang tenant kapag may violation.
π 8. Utilities Payment Clause
Malinaw kung sino ang sasagot sa tubig, kuryente, internet, at iba pang bills.
π 9. Visitor and Occupancy Limit
Ilang tao lang ang pwede tumira sa unit.
π 10. Contract Renewal or Non-Renewal Clause
Para malinaw kung paano matatapos o marerenew ang kontrata.
π 11. Fire Safety and Negligence Clause
Kung may sunog dahil sa kapabayaan ng tenant, siya ang mananagot.
π 12. Inspection Rights of Landlord
May karapatan ang landlord na mag-inspect ng unit with prior notice.
⸻
Tandaan:
Ang paupahan ay negosyo, hindi charity.
Kung mahina ang kontrata, mahina ang proteksyon ng Landlord.
No comments:
Post a Comment