Wednesday, November 02, 2005

Mensahe

Mensahe: "Ang takot sa tao ay naglalatag ng bitag, ngunit ang nagtitiwala sa Panginoon ay maliligtas." (Kawikaan 29:25)

Ikaw, kaibigan? Matagal ka na bang kinakausap ng Diyos tungkol sa isang bagay na gusto Niyang ipagawa sa iyo? Kung gayo’y sundin mo Siya. Huwag kang matakot. Tapat ang Panginoon at hindi Niya iiwanan ang sinumang nagsisikap na mabuhay ayon sa Kanyang kalooban. Manalangin tayo: O Diyos na mapagmahal, tulungan N’yo po akong magdesisyong sumunod sa Inyo. Palakasin N’yo po ang aking paninindigan. Gusto ko pong maging tuluy-tuloy ang pagsisikap kong umayon sa Inyong plano para sa akin. Huwag N’yo pong hayaan manghina ang aking loob dahil lamang sa batikos o pagsubok. Nais ko pong sa katapusan ng aking buhay ay haharap ako sa Inyong dala-dala ang patunay na natapos ko ang lahat ng ipinagagawa N’yo sa akin dito sa lupa. Salamat po, Panginoon. Amen.

No comments: