Monday, August 26, 2019

SABA

Saging na Saba, Sobrang Masustansya
Payo ni Doc Willie Ong at Doktor Doktor Lads

Marami sa atin ang mahilig sa saging na saba. Bukod sa mas mura ito kesa sa saging na na lakatan at latundan, marami rin itong health benefits sa ating katawan. Madalas itong ginagamit sa pagluluto ng banana cue, madalas din na nilalaga o iniihaw.

Narito ang ilan sa mga health benefits ng saging na saba.
1. Mayaman ito sa vitamin B complex na nakakatulong para sa ating mga nerves.
2. Mayaman ito sa potassium na nakakatulong upang mapababa ang ating blood pressure.
3. Dahil mayaman ito sa fiber nakakatulong ito sa pagtunaw ng ating pagkain. Nakakatulong din na mapababa ang cholesterol sa ating katawan.
4. Mainam din ito sa mga nangangasim ang sikmura dahil nakakatulong itong maprotektahan ang ating bituka mula sa stomach acid.

No comments: