Monday, August 26, 2019

Solusyon

Maganda po sana ang panukalang ito pero hindi po ito ang maagap na solusyon para maibsan ang trapiko sa EDSA.

Ang isang sanhi ng usad pagong sa EDSA ay ang pagbawal sa pribadong sasakyan na magamit ang 2 yellow lanes para sa mga city buses na sobra sobra naman sa dami.

Solusyon:
1. Bawasan ang mga City Buses at gawing Centralized, Sychronized and Sytematized ang deployment.
2. Ipagamit ang yellow lanes para sa mga pribadong sasakyan.

3. Ipagbawal sa mga Buses ang nago-overload at nagpapatayo ng mga tao upang mas mabilis ang deployment nila sa bawat bus stop.

Kapag ginawa ito, mawawala ang artificial shortage ng PUVs sa EDSA at hindi na mahihirapang sumakay ang mga tao tuwing uwian.

No comments: