Tuesday, January 14, 2020

Huwag walisin ang abo patungo sa drainage.

Nakikiusap po kami sa aming mga kababayan na huwag pong walisin ang abo patungo sa drainage. Walisin din po muna natin ang abo bago natin bombahan. Ang volcanic ash po ay nagpuputik at tumitigas kapag ito ay nababad sa tubig. Hindi po ito natutunaw. 🚫🚫

✅IMPORTANTE:
Ipunin sa sako o kahit anong lalagyan ang volcanic ash na mawawalis. Ilagay sa harap ng inyong tahanan para po mapickup ng Barangay o ng truck ng CENRO.

No comments: