Hindi talaga maiwasan na may mga mema lang (may masabi lang). “Ang galing mo pumuna eh kung ikaw ang sa DOH ano magagawa mo?” “ECQ gusto mo mamamatay na kami sa gutom. Porket mayaman ka!”
Una sa lahat, private physician po ako. I am just sharing my opinions, views & thoughts on a particular health issue. Nashare ko na dati ito, “exclusive covid hospitals”, walang ibang sakit kundi covid cases lang. Mga infectious disease specialists, pulmonologists, virologists, and related specialties ang naka-assigned to manage it.
Noong umpisa pa lang ng pandemiya at first ECQ natin, nagsabi ako dito sa facebook na sana magtayo o magtalaga ang DOH ng exclusive hospitals for SAR-CoV2 (COVID-19). Para alam ng mga tao saan pupunta. Sa ganun paraan hindi rin apektado ang ibang may sakit na hindi covid. Kailangan may designated hospital per region o city. Pwede rin naman siguro i-convert mga selected public hospitals o special event places (halimbawa: PICC, PhilSports Complex, World Trade Center, Rizal Coliseum, Quezon Institute, mga covered basketball court, at iba pang lugar maski open spaces sa buong Pilipinas) to modular tents and hospital extensions na exclusive for COVID patients na kailangan ng medical attention.
Sa tingin ko dyan pa lang malaking ginhawa na para sa lahat.
Sa ngayon pwede pa rin gawin yan pero kailangan mabilisan. Sana maisip nila na sa ganyang paraan may specific place na mapupuntahan mga tao at tuloy pa rin yung check up ng mga pasyenteng iba ang sakit.
At our present situation na patuloy pagtaas ng mga cases, ECQ hard lockdown lang ang paraan para bumagal ang mga kaso. Alam ko pong mahirap yan pero yan ang immediate action na appropriate sa current situation. Kung maayos lang sana ang health care system ng bansa, kung madaming duktor at nurses at kung madaming available hospital beds baka pwedeng sabihin na mag-GCQ o maski MGCQ pa. Pero wala po talaga. (Referring to NCR na pinakamadaming covid cases daily) Dagdag ko lang, na lahat nahihirapan ngayon. Walang mayaman o mahirap na issue dito kundi makaiwas magkasakit, lumala at ikamatay.
May mga bagay na imposibleng baguhin o gawin agad, at baka nalimutan ng iba na nasa Pilipinas tayo. Laging isipin na maraming kadahilanan bakit ganito sitwasyon natin. Mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod: kakayahan pinansyal ng bansa, ang kultura, pag-uugali, disiplina, pagmamahal sa bansa at kapwa. Pati ang takot sa Diyos.
Developing country po tayo (elementary pa lang ako yan na turo ng titser ko). May maayos bang kultura mga Pilipino pati mga namumuno? Ayos ba pag-uugali ng mga Pinoy? May disiplina ba mga mamamayan? May pagmamahal ba sa bansa? Mahal ba ng bawat isa ang kapwa? Madaming Pilipino madasalin o relihiyoso pero hindi totoong maka-Diyos sa puso, isip at gawa, siguro sa ngawa lang.
Your guess (answer) is as good as mine.
Note
Ito po ay personal opinions/views/thoughts ko posted sa sariling kong facebook page. Bawal po ba?
No comments:
Post a Comment