MGA PAKINABANG SA KALUSUGAN NG KALAMANSI
1. Pinapababa ang tsansa ng stroke– Ayon sa pag-aaral sa amerika, ang pagkain ng mga prutas na sitrus tulad ng kalamansi, orange at suha ay pinapababa ang panganib ng ischemic stroke para sa mga kababaihan. Ang mga tao o kababaihan na kumain ng maraming sitrus ay may 19% na mas mababang panganib ng ischemic stroke kaysa sa mga hindi kumakain ng maraming citrus.
2. Presyon ng dugo– Ang sodium ay dapat iwasan upang mapanatili ang normal na antas ng presyon ng Dugo at salamat sa mataas na potasyum na nilalaman ng kalamansi na napakahalaga dahil sa mga benepisyo ng vasodilation nito. Ayon sa pag-aaral, ang mataas na pag konsumo ng potassium sa ingles ay pinapalakas ang iyong proteksyon laban sa sakit ng bente porsyento.
3. Binabawasan ang panganib ng cancer- Ang kanser na dulot ng free radicals ay maaaring matanggal sa pamamagitan ng pag-konsumo ng vitamin C, isang uri ng bitamina na marami ang kalamansi at may malakas na antioxidant. Ayon sa isang pag-aaral tungkol sa vitamin C mula sa sitrus ay maaaring talunin ang mga cell cancer na colorectal, ngunit kinakailangan ng napakaraming Vitamin C upang magawa ito.
4. Mabuti para sa Puso– Sinusuportahan ng kalamansi ang Kalusugan ng Puso dahil sa fiber, potassium, vitamin C at choline na kapaki-pakinabang para sa kalusugan ng puso o cardiovascular.
5. Diabetes– Ang kalamansi ay may mayaman na fiber at ayon sa pag-aaral ang mataas na diyeta ng fiber ay nakakapagpababa ng asukal sa dugo at minementena ang asukal sa dugo, lipid at insulin ng taong may diyabetis.
6. Pinapalakas ang resistensya– Ang Vitamin C ang pinakapopular na immune system booster na maaari mong ikonsumo, salamat sa kalamansi na puno ng likas na Vitamin C na makakatulong na mapabuti ang resistensya laban sa iba’t ibang mga sakit.
No comments:
Post a Comment