Wednesday, February 08, 2023

Realization.

 BULAG! BUTI PA SYA MAY TRABAHO! 

-medyo mahaba- 

Imagine araw-araw kang napasok sa work nang walang nakikita... papasok ka ba? 

Just now, papunta ako sa SM kasi magpapagawa ako mg salamin. Bihira ako lumabas recently kasi mas gusto ko mag stay sa bahay. At kung hindi importante hindi ako nalabas. 

Ang tagal bago ako nakasakay ng jeep, may tumawid na bulag, si Kuya. Tinulungan sya ng ale makatawid at naghintay din ng masasakyan. 

Ako: " Paano sya sasakay kung di naman nya nakikita ung karatula sa jeep? Saan kaya sya papunta? Paano sya papara? Paano sya sasakay? Although araw araw naman nya ginagawa yon alam ko sanay na sya don. Pero bakit di ko pa rin mapigilan ang sarili ko at nilapitan ko sya.

Me: Kuya, saan po kayo papunta?

Sya: Sa SM bacoor.

Me: okay po, sabay na tayo doon din ako papunta.

Maya-maya , may dumating na jeep at sumakay na kmi pareho. Gang sa 3 nalng kmi naiwan. Pagdating doon, nauna sya pumara. Bumaba na din ako at sinabi kong sasamahan ko na sya tumawid. Pumayag naman sya. 

Inihatid ko sya gang sa employees entrance. 

Sabi ko sa kanya, buti ka pa kuya may trabaho. Konting kwento...

Anong lesson? 

Buti pa sya may work kahit bulag sya, buti pa sya nagpupursige kumita para sa pamilya. Nanliit ako sa sarili ko. Kasi matagal tagal na din akong walang trabaho. Although may reason naman kung bakit ako walang work ngayon. 

Kaya be grateful dahil kumpleto tayo. 

Less complain. Do more,.help more.

Ang saya ko! Kasi ang aga-aga nakagawa ako ng mabuti sa kapwa Salamat kuya, dami ko realization today. 😭 

Thank.you Lord for this day...

No comments: