Friday, April 21, 2023

Tapos na sermon ni sir.

 #ATM Minsan hindi mo maiwasan Mapaisip kung Bakit may Heavy Traffic kahit mayroon namang Traffic Light 🚥 then magko conclude ka na malamang may Traffic Enforcer then makikita mo na Tama ang conclusion mo na may Traffic Enforcer sa Baba ng Traffic Lights 🚦 🙄🙄🙄 then makikita mo napaka daming vendor sa kalye, Vendor ng Mani, Vendor ng Mais, Vendor ng Balut at Penoy, Vendor ng Halaman, Vendor ng Aquarium Fish, Vendor ng Accessories sa Kotse, Vendor ng Tuwalya etc... Mapapaisip ka Tuloy na May Porsyento Cut Kaya ang Traffic Enforcer sa mga Vendor na Ito Kaya may traffic? Hahaha 😂😂😂


Para sa mga LGU's ng Mahal Nating Bansa Hindi dapat pinakakaelaman ng Traffic Enforcer ang Traffic Lights 🚥, it will only "Defeat it's Purpose" once pinakelaman yan ng Traffic Enforcer, sayang ang  Pera ng Taong Bayan, Kalakohan Yung reason na kase Mas madami ang dumadaan sa lane na ito Kaya dapat Mas matagal time dito Kaya pinakekelaman Yung Traffic Lights ... 🥱🥱🥱


If you know the main purpose of Traffic Lights and know the term "Road User Equality" then you should not put those traffic enforcers para paki elaman ang Traffic Lights 🚦, Isipin mo na lang dahil sa tingin ng Traffic Enforcer marami dumadaan sa isang lane na ito Kaya mga 1 Hour ko ito Padadaanin kasehoda Yung Tatlong Lane tapos sa kabila 5 Mins Lang etc. .. Kaya maraming nagagalit na driver sa inyo eh Hahaha (Kaya may Tatlong lane PA kase malimit sa crossing Lang may Traffic lights). Kaya nga sa Traffic Lights 🚥 may Timer like 30, 60, 120 Seconds same on each lane to give "EQUALITY" to everyone. 🤔🤔🤔


Marami na akong countries na napuntahan at ang unang una Kong ginagawa ay mag observe sa kalye, and I tell you I had never seen any country kung saan ang Traffic Lights Nila ay Mayroong Traffic Enforcer na nasa ilalim at pinakekelaman ang flow ng Traffic. 🙄🙄🙄


There is a reason why you put traffic lights 🚥, to make it sure that there will be proper traffic flow, equality among road users and more importantly there is road safety. The best way a traffic enforcer can do na nandun sa may Traffic lights is Manghuli ng mga traffic violators like beating the red light, obstruction, illegal parking etc at hindi pakielaman ang traffic light 🚦. 😉😉😉


Let's change for the better mga Mayor utusan ang Traffic Enforcer na Huwag Pakieleaman ang Traffic Light. 🫡🫡🫡


Sige Tapos na Sermon Ko Magda Drive na Ako naandar na ang traffic eh Walang ng Traffic Enforcer sa Kalye eh... Hahaha 😂😂😂


#ParaSaBayan 🇵🇭🇵🇭🇵🇭

No comments: