Friday, April 28, 2023

Wag patulan. Cool ka lang.

 Habang naka park at kumakain ako sa tabing kalsada, may isang sasakyan na biglang preno at nag park galing highway. 


Tila may kausap ang driver sa phone at may kaaway sa call, Halata mo naman sa galaw ng kamay at ulo nya.


Naisip ko na minsan may mga makakasabay tayo na hindi maayos mag maneho o parang wala sa sarili kung mag drive. 


Intindihin nalang natin at iwasan kaysa patulan, dahil minsan kaya nila nagagawa ang mga bagay na hindi maganda ay dahil meron silang pinagdadaanan o iniisip na problema. 


At minsan sadyang may mga luko lang talaga, wag nadin natin patulan dahil sabi nga ng kasabihan.


“ Never argue with a fool, they will Lower you to their level, and then beat you with experience. “

No comments: