Saturday, July 22, 2023

Mommy di ka zombie

 INAY, HINDI KA TAMAD


Hindi ka tamad kung nakatulog ka ng tanghali or nakatulog ka ng maaga. 


Tandaan, hindi ka zombie. Tao ka din na kailangan ng tulog. 


Hindi ka tamad kung tambak na ang labahin at tiklupin mo. Hindi ka laundry station para laging maging updated sa labada mo. 


Hindi ka tamad kung minsang nanonood ka ng Kdrama o kaya gumagawa ng bagay ng gusto mo. Mahalaga din ang sanity mo. Mahirap maging ilaw ng tahanan kapag simot at pundido ka na. 


Hindi ka tamad kung gusto mong mapag-isa, tumulala, tumunganga, huminga paminsan. Hindi katamaran ang paghinga, pag-slow down at pagpapahinga. Hindi ka robot. Tao ka. 


Hindi ka tamad kung na-order ka paminsan sa food panda, nagamit ng paper plate para bawas hugasin at kung ano-ano pang hack na makakapag-pagaan ng trabaho mo. Tawag dun madiskarte. Hindi katamaran. 


Hindi ka tamad kung wala kang ibang nagawa sa buong maghapon kundi mag-alaga, makipaglaro, magturo at mag-asikaso ng iyong mga anak. Ang maramdaman ng mga anak mo ang pagmamahal mo at presence mo sa buhay nila this season, malaking accomplishment na yun. It doesn’t have to be grand gaya ng nakikita natin online. Magkakaiba tayo. Kaya wag kang sipagin mag-compare Inay. 


Hindi ka tamad kung mabait ka sa sarili mo, kung iniisip mo din ang kapakanan mo. You’re not lazy if you’re taking good care of your spirituality, emotional, mental and physical being. Tandaan, kailangan mong pahalagahan ang pinaka-importanteng tao sa buhay ng asawa at mga anak mo… IKAW. ♥️


Hindi ka tamad Inay. 

Tandaan mo yan. 


#RealTalk #HindikaTamadInay

No comments: