Monday, September 28, 2026

Dswd bacoor

Para sa mga hindi pa alam kung paano ang process sa DSWD Bacoor, ito yung step-by-step na ginawa ko. 😊

STEP 1 — Kumuha ng Number
Pagdating sa DSWD, kumuha muna ng number. Usually, may staff na nag-aassist kung paano kumuha ng number gamit ang kiosk.

STEP 2 — Submission of Requirements
Kapag tinawag na ang number ninyo, pumunta sa unang table sa harap mismo ng DSWD office.

Usually, ihanda ang mga sumusunod:
📌 Medical Abstract
📌 Quotation
📌 Valid ID (Photocopy)

Other requirements, kung hahanapin:
📌 Barangay Clearance
📌 Barangay Indigency

Sa case ko, ang kinuha lang ay:
✅ Medical Abstract
✅ Quotation
✅ Valid ID (Photocopy)

STEP 3 — Interview/Assessment
Pagkatapos, pupunta kayo sa Interview/Assessment. Nasa gilid lang din ito at magkakalapit lang ang mga proseso.

Tatanungin kayo ng ilang personal information at bibigyan kayo ng form na kailangan ninyong i-fill out.

STEP 4 — Ibalik ang Form
Kapag tapos na ang form, ibalik ito sa staff. Sasabihin naman sa inyo kung ano ang susunod na gagawin.

Sa akin, sinabi na magte-text na lang sila kapag schedule na ng payout.

📌 Reminder: Ito ang process na ginawa ko sa DSWD Bacoor. Posibleng magbago ang requirements o proseso depende sa assessment at sa assistance na ina-applyan ninyo.

Sana makatulong ito sa mga nangangailangan. ❤️

No comments: