Wednesday, September 30, 2026

Takot magnakaw.

"BAKIT SA IBANG BANSA TAKOT MAGNAKAW ANG OPISYAL, DITO SA PINAS TAKOT LANG MAHULI SA CAMERA."

ITO ANG PAGKAKAIBA NG SISTEMA NATIN SA SISTEMA NILA

Real talk kapatid, kumpara natin.

Sa Singapore.
Nagnakaw ka ng pera ng bayan? Kulong ka agad. Walang areglo. Walang padrino. Ang yaman ng bansa kasi takot silang galawin ang kaban.

Sa China.
Nagnakaw ka ng bilyon? Death penalty. Hindi uso ang sorry at balik ka na ulit sa pwesto. Kaya takot sila.

Sa Japan.
Nahuli kang corrupt? Hindi mo na hihintayin kasuhan ka, ikaw na mismo magre-resign. Hiya ang puhunan nila.

Sa Dubai.
Nandaya ka sa gobyerno? Deport, kulong, ubos pangalan mo. Walang palakasan.

Eh sa Pinas?

Nagnakaw ka?
May hearing.
May committee.
May drama sa Senado.
May iyak sa media.
Tapos after 5 years, balik ka ulit, tatakbo ka ulit, mananalo ka pa ulit.

Kasi anong sistema natin?

Sistema na mas mabilis makalusot pag may pera.
Sistema na mas malakas ang batas pag mahirap ka.
Sistema na pag mayaman ka, may sakit ka pag kukulong ka na.
Pero pag mahirap ka, diretso ka sa kulungan kahit pambili lang ng bigas ang ninakaw mo.

Kaya hindi nakakagulat kung bakit walang natatakot magnakaw dito.

Kasi alam nilang ang parusa, hindi kamatayan.

Ang parusa, MABANG Posisyon lang saglit, tapos balik ulit sa TAAS.

Kaya kapatid, habang ganyan ang sistema...

Wag ka umasa na aayusin nila ang buhay mo.

Ayusin mo ang sarili mong sistema.

Mag-hustle ka para hindi mo na kailangang mamalimos sa sistema nilang bulok.

Dahil ang tunay na pagbabago, hindi manggagaling sa itaas.

Manggagaling yan sa baba, sa taong sawang-sawa nang maging biktima at piniling maging halimbawa.

#hustleoverslavery

No comments: