Friday, August 05, 2022

Respeto

 Kita n'yo tong photo na ito? Para sa lahat ng may jowa o may asawa lalo na, MAKINIG KAYO📢


Let's not talk about the girl in the photo na nakahawak sa asawa ni Cheska. It might be accidental. Baka nahawakan lang, o baka pinsan n'ya yan? I don't know so let's not judge. BUT, I want us to learn very important lessons here:


1️⃣Una, kapag TAKEN na ang isang tao, ikaw na ang DUMISTANSYA. Ang tawag dun-- RESPETOđź‘Ś Distancia amigo amiga🙄


Hndi ko sinasabing huwag kang makipagkaibigan. Just that, you need to put BOUNDARIES. Hindi pwedeng may jowa yung tao pero dikit ka pa ng dikit. Ikaw na ang umiwas. Ikaw na ang dumistansya kasi RESPETO yun dun sa magkarelasyon. Wag kang epal.


2️⃣Pangalawa, kung ikaw naman yung nilalapitan, LUMAYO ka! Alam mo nang tukso, lalapit ka pa talaga🙄 Minsan akala natin okay lang yung makipagharutan dun sa dumudikit sa atin, pero HINDI. If you know that you are already in a relationship, i-RESPETO mo rin yung partner mo. Don't ever tell me na "hindi ko maiwasan kasi lapit s'ya nang lapit"🙄 HOYYYY!!! You have a choice! Hindi ka tutuklawin kung hindi ka lalapit. Hindi ka matutukso kung maingat kang dumistansya! It takes TWO to tango. Gets?


👉Lahat ng CHEATING nagsisimula sa simpleng "hi" at kulitan. Kaya, 'wag nating i-normalize ang pakikipagharutan sa mga taong jowa o asawa ng iba. Libre naman makipagharutan sa single, bakit sa pag-aari pa ng iba??


Uulitin ko, kung alam mong TAKEN na ang isang tao... wag kang epal. Ikaw na ang dumistansya!


Pangalawa, kung ikaw naman ang nilalapitan... ITABOY mo, huwag mong patulan🙄 


Oh diba? Kung marunong lang tayong RUMESPETO sa mga boundaries, maraming relasyon ang masi-save at hindi masisirađź‘Śđź’•

No comments: