Wednesday, August 24, 2022

Sa aking Mister...

 SA AKING MISTER NA TILA BA NAKALIMOT NA (by: Mommy Hiedz) 


#PayongKapeso


Gan'to dapat mangunsensya ng asawa. 😂😂


Salamat nga pala sa pagiging mabuting Ama.

Salamat sa pagtataguyod sa ating binuong pamilya..

Masaya ako sa mga nararating mo..

Sa mga naipupundar mo.. Sa mga kaibigan mo..

Suportado kita palagi sa mga plano mo..


Pero Mister, 

Parang may nakimutan ka yata..


Nakalimutan mo na yata “AKO”…

Naaalala mo pa ba ako??


Ako nga pala yung dating nililigawan mo..

Ako yung dating sinusuyo mo..

Ako yung dating masaya ka twing kasama..

Ako yung dating nagpapa excite sayo..

Yung dating nagpapakaba sa dibdib mo..

Yung dating kasiyahan mo..


Oo, Ako na ‘to.. 😞


Ang dami ng nagbago ano?

Yung itsura ko..

Yung amoy ko..

Yung katawan ko..

At pati na ugali ko..


Pero lahat naman ng pagbabago dahil din sa pagiging abala ko sayo, sa mga anak natin, sa pamilyang binubuo natin..


NAKALIMUTAN KO NA ANG SARILI KO MISTER..

SANA IKAW, MAALALA MO PA AKO..

_MommyHieds ❤️


Ilabas mo naman ako minsan..

Abutan moko ng budget para sa sarili ko minsan..

Surpresahin mo ako paminsan-minsan..


Sa totoo lang,

Nahihiya kasi akong magdemand..

Nahihiya akong manghingi..

Kaya hinahayaan ko nalang..


Mababaw lang naman ang aking kasiyahan..

Hindi ko kailangan ng pagkadami-daming skincare routine.

Hindi ko kailangan mamahaling kagamitan..


Sapat na sakin na maramdaman kong ako parin ay iyong pinapahalagahan 🤍

No comments: