Monday, April 22, 2024

Katotohanan.

 MALUNGKOT NA KATOTOHANAN 😔


₱60 kada kilo ng bigas na niluluto mo ng dalawang beses sa isang araw, katumbas ng 120, tumatagal ng 7 araw, katumbas ng 840 na agad!


Pagkatapos, ang ulam, kahit na budget mo lang ay 100 bawat kainan ng dalawang beses, kaya ito’y 100x2=200x7 araw = 1,400


Itally natin lahat 840 (bigas) plus 1,400 (ulam) = 2,240 sa loob ng 7 araw, Super budget ito ahh!


Kaya paano pa tayo makakasurvive sa halagang 1k? 🤔


Hindi pa dito kasama ang stove at pagkain para sa mga bata at ang kanilang baon.


Paano kung mayroon kang sanggol? Diaper,Gatas,Wipes at Vitamins?


At ang iyong pang-araw-araw na gastos bilang isang manggagawa Pagkain & Pamasahe? 150x7 araw.


Mayroon ding mga bayarin para sa kuryente, internet, tubig at pangunahing pangangailangan (shampoo, sabon, toothpaste, etc.) 🥺


PAANO TAYO MAKAKASURVIVE SA P610 RATE SA PH?


Utang dito! Utang doon! 😭


#PilipinasToday 

#Pilipinas

No comments: