Yes, parents and students here volunteer to clean the schools. It’s part of their culture of respect and shared responsibility. But here is the massive difference: They only give their time and effort. They are NEVER asked to give their money. The Japanese government handles 100% of the infrastructure—from centralized air conditioning down to the school supplies.
In the Philippines, Brigada Eskwela has been weaponized to pass the financial burden onto families and teachers. We aren't just cleaning; we are soliciting, buying construction materials, and financing basic ventilation.
When a country with a 4.9% education budget can provide state-of-the-art, air-conditioned facilities, but our 20% (₱1.34 Trillion) budget leaves classrooms substandard and reliant on donations... that isn’t 'Bayanihan' anymore. That is a systemic failure of stewardship. Stop romanticizing a coping mechanism for corruption! ππ΅π
Hindi po ito tungkol sa halaga ng isang floorwax o isang lata ng pintura. Ang punto ko po ay systemic accountability.
Bilang bansa na naglalaan ng bilyon-bilyon para sa edukasyon, bakit kailangan pang umabot sa punto na i-asa sa donasyon ng mga magulang ang pinturang panakip sa sirang pader o ang bentilador para hindi mahimatay sa init ang mga bata? Kayang-kaya naman nating maglinis at magwalis which is gawain naman talaga natin yan bilang komunidad. Pero kapag ang bayanihan ay naging lisensya na ng gobyerno para magpabaya sa basic infrastructure at i-asa ang gastusin sa bulsa ng ordinaryong Pilipino, doon po tayo dapat magtanong. We deserve better governance, hindi lang 'diskarte' habang buhay.
Look, the way you understand my point is way too different. Ginagawa niyo pong personal na isyu ng 'bida-bidang magulang,' sirang orbit fan, at kawalan ng kusa ang isang malaking SYSTEMIC FAILURE.
Diyan po tayo nagkakaiba. Ang tingin niyo sa maayos na classroom, electric fan, at test tubes ay 'luho' na dapat pag-ipunan o hingin bilang donasyon. For me, that is the government’s obligation by law not ours.
Sinasabi niyo pong maliit ang pondo ng DepEd? Ang pambansang pondo para sa edukasyon ngayong 2026 ay ₱1.34 Trillion. Ibig sabihin, hindi pondo ang kulang. Ang kulang ay TAMANG PAMAMAHALA, mabilis na implementasyon, at tapat na stewardship para ang TRILYONG pondo na iyan ay makarating sa mga silid-aralan.
Nakalulungkot na bilyon-bilyon ang dumadaloy sa itaas, pero ang solusyong nakikita niyo pa rin sa ibaba ay ang pagpasa ng pasanin sa bulsa ng mga magulang at sa abono ng mga guro. Kaya po nagbobotohan ang PTA para sa bentilador o aircon, hindi dahil 'OA' sila, kundi dahil pinabayaan sila ng sistema at wala silang ibang pagpipilian kung ayaw nilang mag-aral ang mga anak nila sa mala-pugon na classroom. Ang 'VOLUNTARY' na ambagan ay NAGING FORCED SURVIVAL MECHANISM na lang natin.
Huwag po nating i-gaslight ang mga ordinaryong Pilipino na gusto lamang ng QUALITY EDUCATION. Kapag ang isang bansa ay may trilyong budget pero ang normal na itsura ng pampublikong paaralan ay umaasa pa rin sa bigay ng Brigada, solicitation, at swerte... hindi po 'diskarte' o 'bayanihan' 'yan. Isang malaking systemic corruption at kapabayaan yan na hindi dapat nino-normalize o ipinagtatanggol.
We should stop romanticizing a broken system. Deserve ng batang Pilipino ang maayos na pasilidad nang walang hinihinging abuloy. Isa ka po sa mga taong dinedepensahan ang maling sistema kaya hindi ito nababago.
No comments:
Post a Comment