Tuesday, May 26, 2026

Basahin. Depende sa situwasyon.

May dalawang magkaibang resolusyon noon tungkol kay Sen. Leila de Lima, at pareho silang hindi automatic precedent para payagan ang remote voting ngayon.

Una: P.S. Res. No. 51 nina Drilon at Lacson.

Dito malinaw ang hinihingi: payagan si De Lima na “participate” sa plenary sessions through teleconferencing.

Keyword: participate.

Hindi “vote remotely.”
Hindi “cast votes online.”
Hindi “gawing normal ang remote voting ng senador.”

Sa mismong resolusyon pa, nakasulat ang importanteng linya: “physical presence is only required for voting.”

Ibig sabihin, ang pinag-uusapan doon ay remote participation sa deliberations: makapagsalita, makadalo, marinig, makilahok sa proseso. Pero hindi iyon blank check para bumoto online habang wala sa session hall. Kaya bago magpa-amen sa Facebook, magbasa muna ng sariling ebidensya. Baka ang resibo mo, ikaw ang sinisingil.

Pangalawa: P.S. Res. No. 658 nina Drilon, Hontiveros, Pangilinan, at Recto.

Ito naman ay nasa ibang konteksto: COVID-19 pandemic.

Nakaangkla ito sa force majeure o national emergency. Ang force majeure ay pambihirang pangyayaring hindi kontrolado ng tao o institusyon — gaya ng pandemya, kalamidad, giyera, o matinding emergency — na puwedeng pumigil sa normal na pagdaraos ng sesyon o physical presence ng mga miyembro.

Kaya ang batayan noon ay hindi “gusto lang namin mag-Zoom.” Ang batayan noon ay may national emergency na nakaapekto sa buong bansa, sa galaw ng Senado, at sa physical convening ng mga opisyal. Pandemic iyon. Hindi political convenience. Hindi personal accommodation. Hindi special pass para sa isang senador.

Kaya ang totoong tanong ngayon ay hindi: “Ayaw ba nila ng Zoom?”

Ang totoong tanong ay:

Participation ba ito o voting?
Emergency ba ito o convenience?
May force majeure ba o wala?
May transparent safeguards ba o “trust me bro” na naman?
Rule change ba ito for the institution, or special adjustment para sa isang tao?

Doon bumabagsak ang argumentong “sinubukian niyo ito para kay De Lima noon, bakit ayaw ninyo ngayon?”

Hindi pareho ang sitwasyon.

Kay De Lima, may usapin ng detention, representation, pandemic context, force majeure, at participation. Sa kasong ginagamit ngayon, ang gustong palabasin ay parang automatic precedent iyon para sa remote voting kahit wala nang pandemic at wala namang kaparehong national emergency.

Hindi porket may salitang “teleconferencing” sa lumang dokumento, puwede mo nang gawing remote voting pass ang Senado ngayon. Hindi porket marunong mag-Zoom ang institution, dapat na ring payagan ang pagboto nang hindi malinaw kung paano sisiguruhin ang transparency, independence, presence, deliberation, and public accountability.

Ang rules ng Senado hindi dapat binabaluktot depende sa pangangailangan ng kampo. Kung babaguhin ang rules, dapat pagdebatehan nang seryoso dahil long-term institutional consequence ito. Hindi ito simpleng tech upgrade. Kapag binuksan ang pinto sa remote voting without strict safeguards, hindi lang ito tungkol sa isang senador ngayon. Precedent ito para sa lahat ng susunod na critical votes: impeachment, treaties, national security, budget, war powers, appointments, investigations, and laws that can shape the country for decades.

So no, hindi sapat ang “eh si De Lima nga noon.”

Basahin ang dokumento. Basahin ang context. Basahin ang limitation.

Kaya bago magpaka-propeta sa kanan ng Ama, basahin muna ang kanan at kaliwang margin ng dokumento. Kasi minsan, ang hinahanap mong resibo laban sa iba, resibo pala ng sarili mong low reading comprehension.



No comments: