Sunday, February 23, 2020

Hugot

Sunday Joke Time

1. "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

2. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa.. kasi, hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

3. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang Pagitan ng dalawang Tao pag nagtalikuran Sila??
- Kailangan mo libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang TAONG TINALIKURAN MO."

4. "Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso...
Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal.."

5. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

6. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, 'wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

7. "Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"

8. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay!

Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

9. "Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."

10. "Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din.."

#hugotpamore!
Kayo may hugot lines ba? Share naman dyan para relax at happy lang tayong lahat na nagbabasa. Ayaw ko silent followers, gusto ko let’s all get loud. Be involved. 😊

No comments: