Saturday, December 05, 2020

Guyabano

 ANG PABORITO NAMING GUYABANO

(Marami syang health benefits)


Hindi lang dahil sa masarap sya kaya't gusto namin sya. Marami rin syang health benefits, katulad ng:


1. Tumutulong syang mag-produce ng energy para sa katawan. Mayaman sya sa vitamin na Thiamin na tumutulong i-convert ang asukal at carbohydrates na maging energy.


2. Nakaka-patibay rin sya sa mga buto natin. Mayaman rin sya sa calcium na kailangan ng mga buto.


3. Nakakatulong rin syang ma-control ang cholesterol natin sa dugo. Dahil ito sa Niacin na nasa guyabano.


4. Makakatulong rin ito para maiwasan ang anemia dahil mayaman sya sa iron.


5. Maaring makatulong rin sa mga may migraine headache dahil sa taglay nitong Riboflavin.


6. Mayaman sya sa fiber kaya't makakatulong rin sa mga may constipation.


7. Mayaman rin sya sa vitamin C at makakatulong para labanan ang mga infection tulad ng infection sa ihi o UTI.


8. Mayaman rin sya sa potassium na maaring makatulong sa mga nakakaramdam ng pamimitig (cramps) ng muscles at panghihina.


9. Para sa mga kababaihan naman, nakakatulong ang guyabano na bawasan ang mga nararamdaman tuwing may menstruation.


10. Mayaman rin sya sa Folate na kailangan ng mga nag-bubuntis.


Masustansya ang guyabano pero, 'wag naman natin syang ituring na gamot para sa lahat na nabanggit nating problema. Ituloy pa rin natin ang mga gamot na rineseta ng doctor natin.

No comments: