Tuesday, December 29, 2020

The Empress

 Magkkwento muna ako, sana mabasa mo 😊😊


Pinakamalaki kong Gain this Year is sa $MM= 102% Up with 263k gain and still holding. Ang gagamitin kong system ay yun Empress Way na tinuro ko po dati pa sa Youtube channel ko at sa Traders Empire Book


Pinakamalaki kong cutloss this year is umabot ng 30k pesos, aroung -11 to -15% loss. 


Pinakamarami kong charity drive is this year, simula nun March until this December. Bigla kasi nagka covid at ang daming nabigla at hindi handa sa mga kababayan natin. Yes gusto ko sya ipagmalaki pero hindi sa inyo, kundi dun sa nasa taas. Gusto ko lng marinig nyo yun thoughts ko sa kanya habang sinasabi ko, “Lord hindi mo po ako masusubukan, hindi po ako makakalimot...” Wag mo din sana hayaan na masubukan ka sa maliit na bagay. 


Wala akong travel outside the country this year, pero halos maikot ko ang buong Ukraine. Pinakagusto kong adventure na nagawa ko this year is rafting, 3hrs Atv ride, first time ko kasi mag Atv at natatakot ako pero super sarap pala ng ganun adventure . At saka yun paulit ulit na zipline with extreme activity. Just to be clear hindi ko alam na madaming beses ko pala need magzip line, wala lng ako choice kundi lumundag ng lumundag sa ere πŸ˜…πŸ˜…. Di kami nagkaintindihan ng ukrainian. Dun ko nasabi sa sarili ko, “Gusto kong matakot, pero wala na akong choice at wala na syang space, dahil nandun na ako sa taas.” Super overcome talaga yun fear... 


Nagpapagawa din ako ng bahay, di nman kalakihan pero mabibigyan ko ng lugar ang 7 pamilya, nakss... Kung tutuusin pwede na sarili ko lng isipin ko, baka mansion na yun mapapatayo ko. Pero ano ba nman buhay yan, walang push, walang thrill at walang kachallenge challenge kung sarili ko lng lagi iisipin ko. Naboboring ako sa ganun... Yun picture sa baba, mga ganyan style pero dagdagan pa ng 2 floor. Interior na kami ngayon, thank God... 


Nagiisip pala ako na maging preppers, yun nga ba tawag dun. Wala lng, naisip ko lng. Gusto ko lng maging handa. Wag nyo ako tawanan ha, wala nman masama dun diba... 


Saka sa 2021, gusto ko lng maging alive, live and feel life without fear... Saka maging mabuting tao... Pinahanap ko din this year yun mga tunay kong magulang, pero hindi na talaga makita. Baka nasa kabilang buhay na sila, sumalangit nawa πŸ™πŸ™


Madami pa ako gusto ikwento kaya lng baka maboring kita, kasi ang haba na ng type ko. Pero alam mo ba sa real life, hindi ako mahilig magsalita. Sobrang tahimik ko, pero sa tutuo lng ang daldal ng utak ko. Dami alam sabihin hehe πŸ˜…πŸ˜…


Ikaw anong kwento mo, ano mga plano mo? 

Isama mo lagi yun nasa taas at ikonsulta mo lahat yan sa Kanya, na para bang isang malapit na kaibigan. And I know for sure na hindi ka nya pababayaan. πŸ™ŒπŸ™Œ

No comments: