Wednesday, June 23, 2021

Laging tatandaan.

 "Agos ng Buhay"


Napapansin mo ba na ang buhay ay puno ng hiwaga, ngunit karamihan sa atin ay naniniwala nalang sa himala. Tandaan mo na tayo ay naglalakbay, patuloy na lumalakbay. Mahirap man pero kailangan nating tiisin, mga karanasan na magtuturo sa atin ng kaalaman na ating magagamit sa gusto nating patunguhan. Wag mong isipin na hindi mo kaya, maraming paraan huwag puro dahilan. Bawat isa sa atin ay patuloy na nangangarap, ibat-iba man ang ating pananaw, ibat-iba man ang ating pinang-galingan, ibat-iba man ang estado sa buhay ang mahalaga ay wag kang titigil. Yan ang buhay, marami kapang pagdadaanan na mga bagay na hindi mo inaasahan. Lagi mong tandaan, HINDI MO MAKUKUHA YUNG MGA BAGAY NA GUSTO MO, PERO IBIBIGAY YUNG MGA BAGAY NA NAKALAAN PARA SAYO. Humingi ka sa kanya ng gabay at sumabay sa agos ng buhay. 


Words & Shot by: Albert Lusian 

(Loc: Pagbilao, Quezon Province)

No comments: