Eto napo ang recipe ng palabok ng tatay ko. Andami kasi nagrequest ng recipe sa post ko last time me mga nagpm din na ngayon ko kang nakita kasi nasa message request inbox pala. Dahil shineshare naman talaga ng tatay ko recipe nito sa mga kakilala nya ishare ko na din sa IFF dahil mahal ko kayo ❤
Saka naglagay na din ako ng picture ng tatay ko na nakaharap sya at mapusyaw pa kulay nya😂🤣
NOTE: recipe is good for 3-4kilos of palabok noodles po ha. Sadyang ganyan kadami magluto ang tatay ko dahil nagiistock na kami sa freezer para anytime na gusto namin magiinit na lang ng sauce at noodles na lang ang lulutuin. It will last up to 6months sa lalo na kung maintained ang freezing temp
PALABOK ALA BAKULE
INGREDIENTS FOR THE KALDO (palabok sauce)
1 large onion
2 garlic heads chopped
Coconut Cooking oil
1.5 kilo ground pork
Atsuete ( sakto lang sa gusto mong tingkad o pusyaw na kulay ng palabok)
Ground black pepper
10 whole eggs
All purpose flour slurry (bahala kayo kung gusto nyo cornstarch basta tatay ko all purpose flour ginamit kahit me cornstarch 🤣😂)
1 cup rock salt (yes maalat dapat kasi isang 7qt na kaldero yang kaldo mo dear)
Shrimp powder (tancha ko mga 3tbsp OR 3-6small sachet magic sarap OR ajinomoto daw tancha lang paglagay)
3Q Palabok noodles (SOAKED IN WATER MINIMUM OF 3HRS)
RECIPE IS GOOD FOR 4KILOS palabok noodles or 3kilos IF YOU WANT IT SAUCY
TOPPINGS FOR 1 KILO PALABOK
5 whole garlic heads (chopped and fried until crispy make sure hindi matusta na mapait) 3-4pcs tinapang galunggong flakes (galunggong lang gagalet si bakule pag bangus or ibang isda)
1 large pouch chicharon (durugin/pukpukin wag lang nguyain ok???🤣😂)
Boiled eggs (bahala ka na ilang eklog)
Kalamansi (bahala ka na din ilang kalamansi)
PROCEDURE:
- Prituhin ang bawang strain ang mantika (set aside)
- igisa ang sibuyas at bawang sa madaming mantika parang mga 2 cups na mantika sa tantya ko
- igisa ang giniling na baboy pag gisado na baboy lagyan ng paminta at hanggang magtubig na ang giniling
- lagyan na ng asin (maalat talaga kasi hindi na titimplahan ng patis at vetsin ang palabok noodles pag hinalo na sa noodles) pero tantyahin mo pa din para sure
- takpan at hayaan maluto ng husto ang giniling (para hindi panisin)
- ilagay ang 10 itlog at halu haluin (wag nyo na iscramble haluin nyo na lang ng haluin pag nailagay nyo na sa kaldero)
- ilagay ang katas ng atsuete
- ilagay ang all purpose flour slurry mga (tantya na lang di ko nakita ilan nilagay eh🤣😂)
- lagyan na ng shrimp powder or magic sarap or vetsin matanda ka na bahala ka na jan🤣😂
- pag masyado malapot dagdagan tubig pag malabnaw pa dagdagan ng slurry
- pag kulong kulo na yung tumatalsik na talaga sya patayin na apoy at luto na ang kaldo
- magpakulo ng tubig pang palabok noodles (wag mo na lagyan asin) ilagay ang palabok noodles sa fishnet tapos ilubog sa kumukulong tubig pag luto na ahunin na ang fishnet na may nahuling palabok noodles🤣😂 itaktak mo itaktak mo takatakatakatakatak!!!! Itaktak mooooo oohh ohhh taktaktak🤣😂 para mawala excess water
- ilagay sa bandehado/ plangganang malaki para madali haluin
- lagyan ng 6 cups ng kaldo (sure ako mineasure ko measuring cup ginamit)
- ilagay ang tinapa flakes at chicharon
- haluin pag gusto mong saucy dagdagan mo na lang ng kaldo pero sakto na sya para samen
- lagyan ng sliced boiled eggs
- kalamansi kanya kanyang lagay wag ihalo sa mixture ng palabok at noodles
The rest of remaining sauce ilagay na sa separate containers at ifreezer good for 3-6months yan tatagal sa freezer bastat maintained ang freezing temp
OR DIVIDE INTO 3 ANG INGREDIENTS para di ganon kadami ang lulutuin agad para masampolan muna sa 1 kilo
* walang gulay kasi panisin pag me gulay pero kung gusto nyo me gulay bahala kayo jan🤣😂
No comments:
Post a Comment