Tuesday, June 01, 2021

Puso

 Heart Lessons at Tips

Payo ni Doc Willie Ong


Tips Tungkol Sa Puso:

1. Kapag mabilis ang tibok ng iyong puso - Posible na ikaw ay “in-love” kaya nag-pa-palpitasyon. Puwede din dahil sa pag-inom ng kape o slimming pills. Puwedeng may sakit sa puso. Magpasuri para malaman kung “In-Love” ka lamang.

2. Kapag sumasakit ang dibdib, ano kaya ito? - Magpasuri para masiguro na wala kang sakit sa puso. Nalulungkot ka ba at may sama ng loob. Nanggaling ka ba sa pag-iyak kaya naninikip ang dibdib. Magdasal para mabawasan ang stress sa buhay.

3. Tips para alagaan ang puso - Kumain ng sapat na gulay at prutas. Mag-ehersisyo ng regular. Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Magbawas sa stress. At magmahal ng tapat. Ang pagiging “in-love” ay nagpapalakas sa ating puso.

4. Ang normal na pagtibok ng puso ay 60-90 bawat minuto. - Bumibilis ang tibok kapag tayo ay kinakabahan, nagagalit o “in-love”. Kapag nakita mo ang iyong mahal sa buhay, puwedeng bumilis ang tibok ng puso. Subukang mag-deep breathing. Huminga ng malalim at mabagal para ma-relax at bumagal ang tibok ng puso.

5. Pagod na ba ang iyong puso? – Ang “heart failure” ay isang sakit kung saan humihina ang tibok ng puso. May pagmamanas at pagod ang sintomas nito. Mag-relax, huwag magalit o maging emosyonal. Bawasan ang alat ng pagkain. Kumonsulta sa doktor para magamot ang Heart Failure.

6. Ang isa sa pinakamahalagang desisyon mo ay ang pagpili ng makakasama sa buhay. Pumili ng taong tapat at mabait sa iyo. Gamitin ang iyong isipan at iyong puso din.

No comments: