Tuesday, July 13, 2021

Dighay ng dighay.

 Dighay ng Dighay: Anong Dahilan

Payo ni Doc Willie Ong


Ang pagdighay (burping or belching) ay paraan ng katawan para ilabas ang sobrang hangin sa loob ng tiyan.


Nakalulunok tayo ng sobrang hangin kung mabilis kumain at uminom, nagsasalita habang kumakain, umiinom ng mga soft drinks o umiinom gamit ang straw. May ilang tao na nakahihigop ng hangin sa tuwing nine-nerbyos.


Ang hindi natunawan (indegstion) at heartburn ay maaaring malunasan ng pag-dighay.


Para mabawasan ang pag-dighay:

1. Kumain at uminom ng dahan-dahan. Huwag magmadali para maiwasan mabulunan. Limitahan ang pag-inom gamit ang straw.

2. Itigil ang pag-inom ng carbonated na inumin gaya ng softdrinks at beer, dahil naglalabas ito ng carbon dioxide.

3. Iwasan ang chewing gum o pagsipsip ng matigas na candy.

4. Huwag manigarilyo.

5. Ang pagbawas sa stress ay maaaring mapigilan ang nerbyos. Para mabawasan ang habit ng paglunok ng hangin.

6. I-check ang sukat ng pustiso. Kung hindi tama ang sukat maaaring maging dahilan para makalunok ng hangin habang kumakain.

7. Iwasan humiga agad pagkatapos kumain. Maglakad-lakad muna para bumaba ang kinain at maiwasan ang heartburn

No comments: