✨ SOURCE OF INCOME ✨
May tanong sakin kahapon; 5yrs na hindi ka nagwork dyan, stock trading lng ba ang source of income mo?
Hindi lng po ako full time trader. Marami po akong source of income;
✨1)Stock Trading sa PSE, sobrang lakas ng market dati kaya malakas ang kitaan. Nakaipon po ako.
✨2)Google Adsense. Dati active po ako sa Youtube (Guillen Rocher), at sumulat ng blog sa website ng tradersempireph.com kaya kumikita po ako dun, until now.
✨3)Money Remittance. Mahirap magpadala ng pera sa Pinas galing dito sa Ukraine, marami hahanapin na docs, mahal ang charge, may limit ang padala. Kaya yun ibang pinay sa akin sila nagpapadala, binibigay nila yun dollars sakin then icconvert ko sa peso at diretso ko ng itransfer sa family nila sa Pinas, bank or cebuana etc.
✨4)Trading Crypto and Global Market, yun una kong account malaki yun kinita ko dun at marami akong naging copier na kumita din. Nawithdraw ko na yun unang account to realize the profit.
✨5)Traders Empire book na sinulat ko, of course kumikita po ako dun, until now it's available.
✨6)Mentorship. For now once a year na lng ito pero ito ang pinakamahirap. Kasi mahirap magturo talagang ibibigay mo yun oras mo. Kapag nagmmentorship ako I make sure na gagawa ako ng charity to give back. Nakakahiya sa Diyos na ibulsa ko lng yun binayad sakin, channel of blessing lng tayo na ginamit nya with our skills. Kaya yun mga naging students ko, hindi lng po kayo natuto, tinulong din po natin yun sa iba. Trader with a Mission tayo...💖💖
✨7)Affiliate marketing, hanggang ngayon ang daming offer. Pasensya na po saka na lng ako magrreply, medyo busy pa po.
✨8)Writer. Kumita din ako sa pagsusulat sa ibang website, they hired me with a contract then they'll pay me monthly.
Sa ngayon nagpplano ako magbukas ng grocery kasi walang Pinoy store dito. Iniisip ko din na magopen ng Hostel, Travel and Tour, kasi madali lng nman pumunta dito sa Ukraine. Pero ang doubt ko is, baka hindi ko mabigyan ng focus dahil first love ko ang magtravel, gusto ko talagang makita ang mundo.
Kaya dun sa post ko kahapon, after ko po kumita ng 10M in a year, ano sa palagay nyo nararamdaman ko now? Yes, I'm thankful and grateful, pero napagod po talaga ako. Yun pagppost ko ngayon actually is one of my way to recharge myself. How? By counting my blessings, by encouraging others. Nallift up po yun spirit ko dyan. Kaya ayos lng sakin na mahina din ngayon ang market, kasi iwas puyat hehe...
Sa tingin nyo saan ako kumita ng 10M sa mga source of income na nabanggit ko? Magkano kaya lahat yan dollars na nasa post? 🤗🤗
Sa iba, pwede nyo maging guide yan kung paano ang ibang way para kumita once na free lancer ka, full time trader, or digital nomad.
Masaya ako na nakasulat na nman ako ngayon, at nakausap kayo. Salamat sa pagsama lagi sakin at sa pagbabasa. Sana maging maganda ang araw mo. 😘😘
✨Posted some dollars to attract more 😁😁
Nawa lahat ng magLike magkapera din 🙏
_________________
Guillen Rocher
No comments:
Post a Comment