MGA KAIBIGAN, ALALAHANIN NA PWEDENG MIND-GAME O PANLILITO LAMANG ANG MGA PRONOUNCEMENTS NG WITHDRAWAL NA NARIRINIG NYO NGAYON
By Maria Lourdes Sereno
Meron pong tinatawag na “substitution” ng kandidato, kung saan ang aplikasyon ng isang kadidato ay maaaring palitan ng isang bagong aplikante. Nangyari po ito noong si G. Martin Dino, na unang nag-file ng Certificate of Candidacy ay napalitan at the last minute ni then Mayor Rodrigo Duterte. Bagamat hindi nag-file si Mayor Duterte para sa pagka-pangulo nung October 2015 deadline, at sabi pa niya, hindi siya tatakbo sa ganung pwesto, bigla na lang sumulpot siya at nag-substitute para kay Martin Dino. Bago noon ay nag-file muna siya ng certificate of candidacy sa pagka-Mayor ng Davao.
Ang deadline ng substitution ay hanggang November 15, 2021, para sa 2022 elections. Ibig sabihin, ang lahat ng mga nakikita niyo ngayon ay maaaring magbago. Ang pag-file ni Mayor Sara ng COC para sa kandidatura sa Davao ay hindi nangangahulugang hindi siya tatakbo para sa isang mas mataas na posisyon. Ang pag-file ng COC para sa Vice-President ni Senator Bong Go ay hindi ibig sabihin yun ang tatakbuhan niyang pwesto. Nagawa na dati ni Pangulong Duterte noon ang pag-switch ng kandidatura kay Martin Dino, kaya pa ring maulit iyon.
Kaya hindi po ako magko-conclude ng kahit ano tungkol sa grupo ni Pangulong Duterte. Maaaring uulitin na naman nila ang ginawa nilang panlilito.
Bakit po ginagawa ito sa eleksyon? Kasi para sa ibang mga pulitiko, mind-game o laro ng panlilito ang pagtakbo sa halalan. Sa kanila po, weder-weder lang at pambobola lang. Sa mga batikang tradisyonal na pulitiko, ang pang-iisa sa kapwa ay part of the game. At kung hindi nga naman alam ng mga kalaban kung sino talaga ang tatakbo, magkakamali sila at mauubos ang oras nila sa wrong target.
Iba po ang tingin ng Kristyano at ng naniniwala sa integridad sa proseso ng halalan. Ang pag-file ng Certificate of Candidacy ay hindi laro, kundi buong seryosong paglalahad ng isang aplikante sa kanyang desisyon na manilbihan sa mataas na posisyon para sa bayan - ang pagiging LINGKOD-BAYAN, hindi professional bolero. May salitang Bisaya na itinuro sa akin ang aking asawa para sa ganitong mga klaseng tao na mahilig manloko sa kapwa, at masyadong normal na ang pagsisinungaling: LABUDIN.
Ito po ay isang link na baka makatulong sa inyo:
https://www.rappler.com/nation/elections/guide-when-can-candidates-be-substituted
No comments:
Post a Comment