Tuesday, October 26, 2021

Take your time.

 TAKE YOUR TIME. 

Matagal siya kumain ng icecream? Sabayan mo. 

Matagal siya magsuot ng sapatos? Hintayin mo. 

Matagal siya makatulog? Samahan mo. 

Matagal niyang ma-pickup mga tinuturo mo? Tyagain mo. 

Matagal maubos energy niya? Enjoyin mo. 

Matagal siyang magkwento? Pakinggan mo lang. 


TAKE YOUR TIME. Kasi hindi forever yan. Isang araw lilingunin mo ang season na ito at sasabihin mong ang bilis lang pala talaga ng panahon, sana sinulit mo ang bawat oras na lagi niyang gustong...

Sumama sayo..

Nakadikit sayo..

Magpakarga sayo..

Hawak ang kamay mo..

Tawagin ang pangalan mo..

Makatulog na ikaw ang huli niyang nakikita.. 

Magpasubo sayo..

Makipaglaro sayo..

Magtanong sayo..

Nagpapakiliti sayo..

Magkayakap kayo..

Magpaturo sayo..

Magpabasa ng libro.. 

Ubusin ang oras mo...


TAKE YOUR TIME. Ibuhos mo lang lahat sa kanya ngayon. Magtanim ka sa kanya. Aanihin mo yan balang araw. Isang araw baligtad na. Siya naman ang maghihintay sayo. Hindi ka niya mamadaliin. Sasamahan ka niya, sasabayan, papakinggan, tuturuan, tyatyagain at aalagaan. Eenjoyin ka din niya at ibubuhos niya ang lahat ng pagmamahal at panahon niya sayo hanggang sa huling pagtibok ng puso mo.. hanggang sa huling pagpikit at hindi na pagmulat ng mga mata mo. 


#takeyourtime #momentarilyparenting #reflectiongbibongpinay #sowingseeds #myfaith&hope

No comments: