FEUDALISM in medieval Europe is structured such that a lord has vassals and peasants. The vassals provided military service and the peasants performed physical labor in exchange for protection. In the modern world, this can be translated as having either a central figure, such as a politician or a warlord, that controls a region and that everyone fears. Thereby, ruling the region on his own terms.
FEDERALISM aims to decentralize the government into smaller regions to improve efficiency in addressing issues of local concern by having their own laws per region. Of course, a national government still exists for broader issues and also to serve as a check & balance for these delegated powers. In this political system, only local elections are held and the Prime Minister, now holding most powerful executive position, is elected by those elected in the local positions. Note that there are several types of federalism and I am just summarizing its general concept from how I understand it.
I am scared if federalism would be adopted as our government system. As it is, political dynasties are now lording over regions. If they would have even more power to control national authority, isn't that taking away too much from the people? Wouldn't that now be feudalism in disguise - a politician lording over the police and the people? Again, why are we so happy giving up some of the freedoms we enjoy?
Yes, some countries have been successful adopting federalism, but they do not have the same unchecked greed ingrained in their system. And most importantly, why change when fundamentally we already have a decentralized system that just needs to be worked on. Please bear with the long post... but here is what I am trying to say...
A BARANGAY is the smallest administrative division in the Philippines. The approach is meant to allow grassroots governance by sectioning the country into smaller areas that would allow barangay leaders to know their constituents and efficiently provide government services. From barangays, the larger group would be districts, then municipalities or cities that could issue ordinances for local concerns - isn't this the same concept of decentralizing for efficiency similar to federalism? Then, why are we asking for a system change? Is it to allow politicians to even gain more power by having them control who sits in the national positions instead of us electing them?
Federalism removes some of the control over who governs us, so for the nth time, why are we so happy to lose it? We already have a strong framework in the barangay system and would just need to build on it - I just hope this is what we will work on instead of striving to give even more power to manipulative politicians.
If there is anything that I may have misunderstood that led me to a misconception, feel free to educate me. Let us all strive to listen & learn.
Ayan... makapagtrabaho na nga at baka tawagin pa ako ng barangay hahaha
Para sa sinisita ako kung bakit English ang post... eto ginawan ko ng effort gawing Filipino, kaya sana may magbasa... thank you na agad!
Ang FEUDALISM sa makalumang Europe ay nakabalangkas na ang isang panginoon ay may mga basalyo at magsasaka. Ang mga basalyo ay nagbigay ng serbisyo militar at ang mga magsasaka ay nagsagawa ng pisikal na paggawa bilang kapalit ng proteksyon. Sa modernong mundo, maaari itong isalin bilang pagkakaroon ng sa isang sentral na pigura, tulad ng isang politiko o isang warlord, na kumokontrol sa isang rehiyon at kinatatakutan ng lahat. Sa gayon, namumuno sa rehiyon sa kanyang sariling mga batas.
Layunin ng FEDERALISM na hatiin ang pamahalaan sa mas maliliit na rehiyon upang mapabuti ang kahusayan sa pagtugon sa mga isyung lokal sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sarili nilang mga batas bawat rehiyon. Siyempre, umiiral pa rin ang isang pambansang pamahalaan para sa mas malawak na mga isyu at upang magsilbing gabay para sa mga lokal na mga kapangyarihan. Sa sistemang pampulitika na ito, ang mga lokal na halalan lamang ang gaganapin at ang Prime Minister, na hawak ngayon ang pinakamakapangyarihang posisyon sa ehekutibo, ay inihahalal lamang ng mga nahalal sa mga lokal na posisyon.
Natatakot ako kung ang FEDERALISM ay gagawing sistema ng ating gobyerno. Sa ngayon, ang mga political dynasties ay nangingibabaw na ngayon sa mga rehiyon. Kung magkakaroon pa sila ng higit na kapangyarihan upang kontrolin ang pambansang awtoridad, hindi ba't masyadong sugal na iyon sa mga tao? Hindi ba iyan ngayon ay patagong FEUDALISM kasi lumalabas na may isang politikong namumuno sa pulisya at sa mga tao sa isang lugar? Muli, bakit tayo masaya na isinusuko ang ilan sa mga kalayaan o kapangyarihan tinatamasa natin bilang mamamayan?
Oo, ang ilang mga bansa ay matagumpay na nagpatibay ng FEDERALISM, pero wala silang parehong hindi napigilang kasakiman na nakatanim sa kanilang sistema. At higit sa lahat, bakit natin babaguhin ang meron tayo kung meron naman na tayong desentralisadong sistema na kailangan lang pagbutihin. Mahaba na ito pero pagtiyagaan niyo lang...
Ang BARANGAY ay ang pinakamaliit na dibisyong administratibo sa Pilipinas. Layunin ng barangay system hatiin ang bansa sa mas maliliit na lugar na magbibigay-daan sa mga pinuno ng barangay na makilala ang kanilang mga nasasakupan para sa mahusay na pagbibigay ng mga serbisyo ng gobyerno. Mula sa mga barangay, ang mas malaking grupo ay mga distrito, pagkatapos ay mga munisipalidad o lungsod o siyudad na maaaring gumawa ng mga ordinansa para sa mga lokal na alalahanin - hindi ba ito ang parehong konsepto ng desentralisado na pareho lang sa FEDERALISM? Kung gayon, bakit natin gusto ng pagbabago sa sistema? Ito ba ay para payagan ang mga pulitiko na makakuha ng kapangyarihan kung sino ang makakaupo sa mga pambansang posisyon?
Tinatanggal sa atin bilang ordinaryong tao ang ilan sa kontrol sa kung sino ang namamahala sa atin kapag tinanggap natin ang FEDERALISM, kaya sa uulitin ko, bakit tayo masaya na mawala sa atin ang kalayaang mamili? Mayroon na tayong matibay na sistema ng barangay at kailangan lang na pagtibayin ito - Sana ito na lang ang ating pagsikapan sa halip na pagsikapang bigyan pa ng higit na kapangyarihan ang mga ganid na politiko.
Kung mayroong anumang bagay na maaaring hindi ko naintindihan na humantong sa akin sa isang maling kuru-kuro, huwag mag-atubiling turuan ako. Magsikap tayong lahat na makinig at matuto.
No comments:
Post a Comment