Monday, May 16, 2022

Sino ba sila?

 "construction  workers"


PAg may Bagong Tayong building,Ang atensyon natin ay  nakatuon  sa ganda,Laki at taas ng building at Nakakalimutan  natin  kung sino Ang gumawa  ng building na iyon.


SINO ba sila?


●Sila yung mga  taong nakapagtapos ng elementary o high school na may mababang  uri  ng pamumuhay  kung  ituring  ng Ilan.

●Sila yung nagtatrabaho  sa ilalim  ng tirik na araw o sa mataas at delikadong building . 

●Sila yung Hindi iniisip na baka mahulog  o malaglagan ng mabigat na bagay  pagkat Ang iniisip  nila  ay  May maipakain sa Kanilang pamilya. 

●Sila yung Isa pinaka Mahirap at mabigat na trabaho pero Maliit Ang sahod pero nagtitiis para sa pamilya. Ganyan nila  ka Mahal ang pamilya  nila.

●martilyo,lagari at pala  Ang nagsisilbing  ballpen nila.

●Sila yung madalas magbaon ng sardinas,lucky me at Kape na 3n1.pero masaya na sila.

 ●Isa sila sa pilit pinagkakasya  Ang sahod  at minsan delay pa Ang sahod.

●proud sila sa trabaho nila.

●Sila yung construction  worker kung tawagin 


 SALUDO Po ako sa kanila dahil proud sila sa trabaho nila.yung iba minamaliit sila dahil sa uri ng trabaho nila.Bawat pokpok  ng martilyo,Halo ng semento,Hatak ng bakal kinabukasan ng pamilya Ang Iniisip nila.sila Ang isa sa dahilan kung bakit may Tulay,Bahay Kalsada,At maging sementeryo  kaya dapat Proud  tayo sa kanila.

At Sana dumating  Ang araw na Itaas din Ang SAHOD  nila.


-ctto-


YES, yes, and yes ! I'm so proud na construction workers yung papa ko❤ I loveyou pa🥰😍

No comments: