Sharing the sentiments of a friend’s son
From Paolo Lorenzo Tejano:
“Patawad, Pilipinas. Patawad sa lahat ng inabuso, tinorture, at pinatay noong Martial Law. Patawad sa mga nagutom at namatay sa Negros Famine. Patawad sa mga magsasakang nagdusa at nagdurusa dahil sa pagnakaw sa Coco Levy Fund. Patawad sa mga katutubong pinalayas sa Calauit Island. Patawad sa lahat ng naghihirap dahil sa pandarambong sa kaban ng bayan.
At patawad rin sa mga mabuti kong kapwa Pilipino na bumoto kay Marcos dahil kayo ay napahamak ng fake news. Alam namin na ang tanging hinahangad niyo lang din ay ang isang maginhawang buhay at mabuting kinabukasan para sa inyong mga anak. Alam namin na hindi niyo gugustuhing bumoto ng magnanakaw at sinungaling kung hindi ipinagkait sa inyo ang katotohanan. Hindi niyo ito mababasa pero sana alam niyo na ipinaglaban din namin kayo. At ipaglalaban pa rin namin kayo.
Kung may napahamak, mayroon kasing pahamak. At kayong mga hayop ang makakabasa ng post na ito. Kayo na maginhawa na ang buhay. Kayo na may seguridad sa trabaho. Kayo na hindi naman maapektuhan. Kayo na bumoto kay Marcos dahil pabor sa inyo ang sistema ng palakasan, utang na loob, at lantarang korupsyon. Ikinahihiya ko kayo, ang mga walang-hiyang kamag-anak at dating kaibigan ko, na nagpakalat ng kasinungalingan at bumoto para lang sa sarili. Kahit magsimba pa kayo araw-araw, sa impyerno lang din ang bagsak niyo, kasama nina Marcos at Duterte. Kayo ang dahilan kung bakit ang hirap maging Pilipino. Nakakasuka kayo.
Pero matapos ang galit, mangingibabaw pa rin ang pag-asa. Salamat, VP Leni. Salamat dahil ipinakita mo sa amin kung ano ang hitsura ng tunay na serbisyo. Salamat dahil ipinakita mo kung ano ang magagawa ng pagsusumikap nang may dignidad. At higit sa lahat, salamat dahil ipinaalala mo sa akin na napalilibutan ako ng mga taong tunay na nagmamahal sa ating bayan. Hindi kami titigil magtrabaho upang makamit ang pinapangarap nating Pilipinas. Maraming maraming salamat, VP Leni.
Nandito pa rin kami, kasama mong umaawit…
At alam ko ang aking kaya, alam ko ang hindi
Alam ko ang kailangan upang makapagsilbi
Hangga’t may kabutihan, hangga’t may pag-ibig
Liwanag ang mananaig”
No comments:
Post a Comment