Sa susunod, wag boboto kung di alam ang kahulugan ng demokrasya. Ang kapangyarihan na makaboto ay hindi katumbas ng lisensya para laitin ang kapwa Pilipinong iba ang ibinoto. May kalayaan tayong pumili pero dapat igalang ang pinili ng nakararami. Imbes na isumpa mo ang Pilipinas, ipagdasal mo nalang. Wag mong pangunahan at wag mong hulaan ang kinabukasan ng bansa natin para lang mapatunayan mong mali ang pinili ng nakararami.
May mga nabasa akong aalis daw mga investors pag nanalo si BBM... baka naman pwede mong galingan sa trababo para ikaw ang maging rason para hindi sila umalis.
May nababasa akong aalis na ng bansa ang ilang Pinoy pag nanalo si BBM...baka naman tama na lumisan ka muna at sa ibang lupain mo muna hanapin ang kapalaran mo kesa ikalat ang negativity sa bansa mo. Magiging bahagi ka ng ofw na makabagong bayani natin...
May mga nabasa akong mga post ng estudyante, wag na daw mag-aral pag nanalo si BBM. Napakalaking pagkakamali na idepende sa kung sinong pangulo ang kinabukasan ng buhay mo at ng pamilya mo.
May nabasa akong , pag binoto mo si BBM, daserve mo maghirap ng 6 yrs. Baka naman pwede nating balikan na di tayo pinalaki ng mga magulang natin at ng kulturang Pilipino para ipagbunyi ang kahirapan ng iba. Kung di mo magawang tumulong, kahit ipanalangin mo, baka duon makagaan ng kalooban nila.
Eto medyo, malala, may nabasa akong di na magbabayad ng income tax dahil di daw nagbayad ng tax si BBM. Pag hinimay mo ito, iba ang income tax at estate tax. Ang estate tax, buwis yun para makuha mo ang mana mo. Mana, ibig sabihin patay na dapat yung may-ari... Wish mo mamatay talaga parents mo para lang sa argumento ng tax? Ipaubaya mo nalang sa korte at sa hukuman ng Diyos ang issue sa estate tax. May mga hustisyang di natin nakakamit sa lupa, pero sa hatol ng nasa itaas, tiyak, patas!
Maaaring may malaking bahagi ang pamahalaan para sa kinabukasan at kakahinatnan ng buhay mo, pero mas malaking bahagi nito ang nakasalalay sa palad mo. Magsumikap ka, magsipag, magdasal at magpasakop sa may kapangyarihan.
Magiging ayos din ang lahat, simulan mo lang sa sarili mo ang mabuting pagbabago...huwag makipag-away at makipagdiskusiyon. Sa huli, lahat tayong Pilipino na nagnanais lang ng maayos na bansa ay makaaahon din. Harinawa'y maging instrumento ka ng pagkakaisa at pagbabago...
#CTTO
No comments:
Post a Comment