Pauwi na kami ng pamilya ko kasi magsasara na ang EVIA, nakita ko sila na naka angat ang hood at parang namomroblema, ang sabi ko agad kay misis:
“Lowbatt yan sigurado.”
(Kasi hindi naman masisira basta basta ang mga ganyang model maliban sa battery.) - Modelong toyota innova
Ang problema lang ay wala akong dalang tools kay TROY (montero) kaya pinag tyagaan nalang namin yung free na tools (10mm wrench at mahabang bakal pang angat ng jack) 🤣
Pinuntahan ko sila at kinalas ko ang battery ng montero at pinag tapat ko ang battery namin, ginamit ko ang dalawang mahabang bakal pang angat ng jack para mapag dikit ko ang POSITIVE at NEGATIVE ng mga battery namin.
At pag sigaw ng START ay umandar agad ang Toyota Innova nila tatay, Masayang masaya sila at sinabi ni nanay na “buti nalang may mabait na tumulong satin. “ 🙂
Tinanong ng anak ko kung hindi daw ba ako nakuryente sa pag hawak ng bakal sa pagitan ng dalawang battery? Interesado syang matuto sa nangyari at paano napaandar yung sasakyan.
Naituro ko sa anak ko na huwag mag aatubiling mag bigay ng tulong sa kapwa at ang kahalagahan ng BASIC SKILL / KNOWLEDGE sa sasakyan.
*
Ugaliin mag dala ng SET of BASIC TOOLS para laging handa kung ikaw ang masiraan or ikaw ang tutulong sa nasiraan ng sasakyan. 😊
Sharing is Caring! 🤝❤️
EZ Works Garage 🛠
No comments:
Post a Comment