Sunday, September 18, 2022

Work from home.

 NEWS UPDATE: Pinalawak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang work from home scheme at nanawagan sa mga employer at manggagawa na magkasundo sa iisang work from home set up, upang makatulong na mapanatili ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.


Nilalaman ng Department Order 237 na pinirmahan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma noong Biyernes, Sept. 16, ang revised implementing rules at regulations ng telecommuting law, o ang Republic Act 11165.


Binigyang diin ng bagong alituntunin ang “terms and conditions of telecommuting shall not be less than minimum labor standards, and shall not in any way diminish or impair the terms and conditions of employment contained in any applicable company policy or practice, individual contract, or collective bargaining agreement.”  


Nakasaad dito na ang ‘regular workplace’ ay nangangahulugang ang pangunahing lugar ng negosyo o anumang sangay na opisina o pisikal na lugar na itinatag o ibinigay ng employer kung saan ang mga empleyado ay regular na nag-uulat o gumaganap ng trabaho.

No comments: