Tatlong taon na. Tatlong taon na akong naghihintay.
Paulit-ulit na 'yan ang tumatakbo sa isip ko habang nakatingin ako sa litrato naming mag-asawa. Nasa Canada si Ronald, nagtatrabaho, nagsisikap para sa kinabukasan namin. At ako? Eto, nakatira sa bahay ng biyenan ko.
Mabait si Papa Ben. Sobra. Siya ang tipo ng biyenan na laging nagtatanong kung kumain na ako, kung anong gusto kong ulam, at kung may kailangan ako. Kapag may inaayos sa bahay, ako ang una niyang inaalok na tulungan. Minsan, may inabot pa siyang pera pambili ko ng damit. Para ko na ring tatay, sa totoo lang. Kung hindi lang siguro biyenan ko siya, baka nakita ko na ang sarili ko na napapamahal sa kanya.
Pero si Mama Lucy... 'yon ang problema. Ramdam ko sa bawat titig niya, sa bawat pagbuntong-hininga niya kapag ako ang kausap niya, na hindi niya ako tanggap. Ni minsan, hindi niya ako tinawag na "anak." Laging "Kimby." Hindi naman masama, pero ramdam mo 'yung lamig. Parang, "Kailangan ka lang namin dahil asawa ka ng anak ko, pero hindi ka namin kadugo." Ang sakit, lalo na ngayong malayo ang asawa ko. Wala akong kakampi.
Pero bukod sa lamig ni Mama Lucy, may isa pang nagpapagulo sa isip ko. Yung pakiramdam ko kapag naliligo ako. Dito sa bahay, yung banyo, hindi masyadong pribado. May malaking bintana na ang tanging harang ay manipis na kurtina. Minsan, kapag naghuhugas ako ng buhok, parang may anino akong nakikita sa labas. At kapag natapos ako, kapag lumabas ako ng banyo at makasalubong ko si Papa Ben, laging may ngiti sa labi niya. Yung ngiting parang may alam.
Naiinis ako. Hindi ko maintindihan. Bakit parang may nakatingin? Imposible namang si Papa Ben 'yon, 'di ba? Biyenan ko siya! Pero 'yung ngiti niya... At minsan, kapag nasa kusina ako at nakayuko, pakiramdam ko may tumitingin sa likod ko. Paglingon ko, si Papa Ben, nakatitig sa akin, tapos biglang iinom ng tubig o magpapanggap na may hinahanap. Nakakairita. Bakit hindi na lang niya sabihin kung may gusto siya?
Naguguluhan ako. Tatlong taon na akong walang kayakap. Yung asawa ko, puro tawag lang. Minsan, kapag malungkot ako, gusto kong may gumabay, may magpagaan ng loob ko. Pero heto, naiinis ako sa biyenan ko na babae dahil sa lamig niya, tapos itong biyenan ko na lalaki, pinag-iisip ako ng kung anu-ano.
Ano ba talaga, Kimby? Gusto mo ba ng yakap? Gusto mo ba ng atensyon? O inis ka lang talaga sa lahat?
Naiinis ako sa sarili ko na may ganitong naiisip. Mali. Napakamali. Pero tao lang ako, at tatlong taon na ang katawan ko, ang puso ko, ay nananabik.
Nasa kwarto ako, kausap si Ronald sa video call. Ang layo ng Canada sa Pilipinas, hindi lang sa milya kundi pati sa pakiramdam. Niyayaya ko siyang umuwi, kahit sandali lang, pero puro "hindi pa pwede" at "mag-ipon muna tayo" ang sagot niya. Habang nagkukuwento siya tungkol sa trabaho niya, pakiramdam ko, lalo kaming lumalayo sa isa't isa.
Nang matapos ang tawag, bumuntong-hininga ako. Puno ng lungkot at pananabik ang aking dibdib. Gusto kong umiyak, gusto kong magwala, pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayaw kong marinig ni Mama Lucy.
Nakahiga ako, nagbabasa ng e-book, nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Gulat na gulat ako. Si Papa Ben. Walang katok. Walang paalam. Nakatingin siya sa akin, at sa dilim ng kwarto, hindi ko makita nang maayos ang ekspresyon ng kanyang mukha, pero ramdam ko ang init ng tingin niya.
"Papa Ben?" tanong ko, medyo nanginginig ang boses. "May kailangan po kayo?"
Hindi siya sumagot. Dahan-dahan siyang lumapit sa kama. Ang bawat hakbang niya, parang pagbilang ng segundo bago maganap ang isang bagay na hindi ko sigurado kung ano. Kinilabutan ako. Lahat ng pag-aalinlangan ko tungkol sa kanya, lahat ng mga tingin at ngiti niya, naglaro sa isip ko.
"Ang ganda mo, Kimby," bulong niya nang makalapit. Ang boses niya, mababa at parang may bahid ng kalungkutan.
Napakagat ako ng labi. "Salamat po," sabi ko, habang unti-unting umaatras.
Napakabilis ng pangyayari. Bago pa ako makatayo, dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko. Hindi ako nakakilos. Hinawakan niya ang kamay ko. Nanginginig ito.
"Alam kong lonely ka, Kimby," sabi niya, at sa pagkakataong ito, naramdaman ko ang lambing sa boses niya na hindi ko pa narinig kailanman. "Wala si Ronald. Naiintindihan kita."
Doon, sa dilim ng kwarto, ang pagkalito ko ay lalong lumala. Ang inis ko kay Mama Lucy, ang pananabik ko kay Ronald, at ang nakakailang na pagtingin ni Papa Ben, lahat ay nagsama-sama sa isang malaking gulo sa isip ko.
Bago pa ako makasagot, inabot niya ang kanyang kamay at dahan-dahang hinaplos ang pisngi ko. Tapos, hinila niya ako palapit. Sa halip na lumaban, naramdaman ko ang paghahanap ng katawan ko sa init ng yakap. Ang yakap na tatlong taon kong hinintay.
Mabilis ang tibok ng puso ko, halos lumabas sa dibdib ko sa sobrang kaba. Isang segundo na lang, baka kung ano na ang nangyari, pero biglang bumasag sa katahimikan ang tatlong malalakas na katok sa pinto.
"Kimby! Kimby, buksan mo 'to! Gising ka pa ba?" Boses ni Mama Lucy. Galit at mainit ang ulo, gaya ng dati.
Nagkatinginan kami ni Papa Ben. Nanlaki ang mga mata niya at bakas ang matinding takot. Hindi na siya nag-isip; mabilis pa sa alas-kwatro na gumapang siya at sumisid sa ilalim ng kama ko. Sumunod ang katahimikan, maliban sa mabigat na paghinga ko.
Binuksan ko ang pinto nang bahagya, pilit na inaayos ang nagulo kong buhok at damit. "B-bakit po, Ma?"
Pumasok siya nang tuluyan, hindi man lang naghintay na anyayahan. Inilibot niya ang tingin sa buong kwarto, tila may hinahanap na mali. "Ang tagal mong sumagot. May ginagawa ka ba?"
"Wala po, Ma. Katatapos ko lang makipag-video call kay Ronald," pagsisinungaling ko, habang nararamdaman ko ang bawat galaw ni Papa Ben sa ilalim ng kama. Isang maling sipa ko lang, malalaman na nandoon siya.
"Yung asawa ko? Nakita mo ba si Ben?" tanong niya habang nakapamaywang. "Kanina ko pa hinahanap sa sala, akala ko nandoon lang. Nawala na naman, baka kung saan-saan na naman nagsuot."
Lalo akong pinagpawisan ng malapot. "Hindi ko po alam, Ma. Baka lumabas lang sandali sa bakuran?"
"Nakakabuwisit talaga 'yung matandang 'yun," reklamo niya, sabay baling sa akin nang masama ang tingin. "O, heto. 'Yung mga labada sa labas, ipasok mo na. Mukhang uulan pa yata. Pagkatapos, maglinis ka sa kusina dahil ang kalat-kalat nung huling kumain ang biyanan mo. Huwag kang tatamad-tamad, Kimby. Hindi ka pinapadalhan ni Ronald para lang magpaka-senyorita dito."
Gusto ko siyang sagutin. Gusto kong sabihin na pagod din ako, na tao lang ako. Pero mas nangingibabaw ang takot na baka mapalingon siya sa ilalim ng kama at makita ang sariling asawa na nagtatago doon.
"Opo, Ma. Susunod na po ako," mahinang sagot ko.
Lumabas din siya sa wakas, pero bago isara ang pinto, tiningnan niya uli ako mula ulo hanggang paa. "Ayusin mo 'yang sarili mo. Mukha kang ewan."
Nang masiguro kong nakababa na siya ng hagdan, napaupo ako sa gilid ng kama. Marahan kong naramdaman ang kamay ni Papa Ben na humawak sa sakong ko mula sa ilalim.
"Nakaalis na ba siya?" bulong ni Papa Ben, ang boses ay puno ng kaba pero may kasamang kakaibang pahiwatig.
Napatayo ako. Ang inis ko kay Mama Lucy at ang kakaibang nararamdaman ko kay Papa Ben ay naghahalo. Hindi ko alam kung magagalit ako o kung itutuloy namin ang naudlot na sandali kapag nakalabas na siya mula sa ilalim ng kama. Kaya lang narinig ni papa ben ang boses ng asawa nya kaya agad itong lumabas,
Pagkalabas na pagkalabas ni Papa Ben sa ilalim ng kama, hindi ko na siya hinayaang makapagsalita pa. Itinaas ko ang aking kamay bilang hudyat na tumigil siya.
"Pa, lumabas na po kayo. Gagawin ko lang po ang utos ni Mama," malamig kong sabi. Kitang-kita ko ang panghihinayang sa kanyang mga mata, pero hindi ko na iyon pinansin. Pagkasara ng pinto, doon lang ako nakahinga nang maluwag.
Buong gabi akong hindi nakatulog. Paulit-ulit sa isip ko,
Tatlong taon kang naghintay kay Ronald, Kimby. Ngayon ka pa ba bibigay sa maling pagkakataon? Alam kong kapag nanatili ako sa bahay na iyon, hindi malabong maulit ang nangyari. Sa pagitan ng lamig ni Mama Lucy at ng mapanuksong tingin ni Papa Ben, para akong nakatayo sa gitna ng apoy.
Kinaumagahan, tinawagan ko si Ronald.
"Ronald, uuwi muna ako sa amin. Doon muna ako kina Mama at Papa," bungad ko sa kanya.
"Ano? Bakit? Malapit na ang bakasyon ko, Kimby. Mas okay na nandoon ka para maasikaso mo ang mga gamit ko pag-uwi ko," pagtutol ni Ronald sa kabilang linya. "Saka, ano na lang ang sasabihin nina Mama? Baka isipin nila nag-aaway tayo."
Gusto kong sabihin ang totoo. Gusto kong isigaw na ang tatay niya ang dahilan kung bakit ako natatakot. Pero ayaw kong wasakin ang pamilya nila. Ayaw kong mag-uwi siya ng sama ng loob sa trabaho niya sa Canada.
"Ronald, kailangan ko lang ng space. Miss ko na rin ang mga magulang ko. Isang buwan lang naman," pagpipilit ko. Kahit anong kontra ni Ronald, hindi ako nagpatinag. Mas mabuti nang magtampo siya nang sandali kaysa magising ako isang araw na wala na kaming babalikang pagsasama dahil sa isang maling pagkakamali.
Mabilis kong inimpake ang aking mga gamit. Habang pababa ako ng hagdan dala ang maleta, nakita ko si Mama Lucy sa sala.
"Aalis ka? Saan ang punta mo?" tanong niya, nakataas ang isang kilay.
"Uuwi muna ako sa amin, Ma. Nagpaalam na po ako kay Ronald," sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.
Sa kabilang dako, nakita ko si Papa Ben na nakatayo sa may pinto ng kusina. Malungkot ang kanyang mukha, tila isang batang nawalan ng laruan. Pero sa pagkakataong ito, hindi na ako nakaramdam ng kaba.
Nang makasakay ako sa tricycle paalis ng barangay nila, doon ko lang naramdaman ang tunay na kaligtasan. Mahirap mawalay sa asawa, at mas mahirap labanan ang pangungulila, pero alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang tama. Hindi ko ipagpapalit ang tatlong taong paghihintay sa isang sandali ng panandaliang init na sisira sa lahat.
#kuyajaystory #confession #kuwentongmasarap

No comments:
Post a Comment