Ito na siguro ang pinaka-ayaw kong tanong…
May nagtanong kung magkano ang consultation fee ko. Honestly, nahihiya akong sumagot. Parang awkward at medyo unethical pag napag-uusapan ang PF sa social media na kitang-kita ng lahat.
Pero sige na nga… 😅
Mas mahal pa nga raw—sabi lang ng mga kaibigan ko ha—ang mag-table sa club, umaabot daw ng ₱1,000–₱1,500 per hour, wala pa yung drinks at pagkain. 🤣
Samantalang sa akin, ₱500 lang, unli tanong, at minsan pag minamalas, umaabot ng halos isang oras—paulit-ulit na tanong, may konting sigawan pa minsan kasi alam niyo na… mahina na ang pandinig.
At walang bayad ang follow-up. May mga pagkakataon pa nga na libre na lang kapag alam kong hirap talaga, at minsan naaabutan pa ng pambili ng gamot. 🤦🏻♂️
Tapos may bonus pa—life story.
Kapag sobrang ganado magkwento, mula panahon ng hapon, dumaan kina Presidents Elpidio Quirino at Diosdado Macapagal, hanggang sa ghost projects ng flood control ngayon ang usapan. 😅
Ganun talaga. Kailangang makinig.
Minsan, sa pakikinig pa lang, gumagaan na ang pakiramdam nila.
Iyan ang hindi alam ng karamihan.

No comments:
Post a Comment