Thursday, January 22, 2026

Ang sakit

"AKO ANG MAGBABAYAD SA CATERING NG 60TH BIRTHDAY NG PAPA KONG INIWAN KAMI PARA SA IBA..."

Tigilan n’yo ako sa “Papa mo pa rin yan.”
Oo, papa ko siya. Pero hindi ibig sabihin nun tama ang ginawa niya.

Hindi porke kadugo, pwede nang manloko, magsinungaling, at manakit ng pamilya tapos ako pa ang expected na umintindi. Hindi ako basurahan ng kasalanan ng ibang tao.

Hindi rin excuse ang pagiging magulang para maging KUPAL.

At hindi obligasyon ng anak na lunukin ang sakit para lang mapanatili ang “pamilya” sa mata ng iba.
Kung mali, mali.
Kung masakit, masakit.
At kung may ginawa siyang mali, may karapatan akong magalit.

My dad left us 10 years ago para sa "kabit" niya. Simula noon, kaming tatlo nina Mama at ng kapatid ko ang nagtulungan. Baon kami sa utang noon kasi kinuha ni Papa lahat ng savings nila bago siya lumayas. 

Ngayon, stable na ako, at ako ang bumubuhay sa bahay. Si Mama naman, all these years, "martyr" ang role niya. Pinatawad na raw niya si Papa kasi "family is family." Bullsh't.

Nagkabalikan "daw" sila a month ago, tapos itong Papa ko na kupal eh doon pa rin umuuwi sa kabit nya. 

Next week is my dad’s 60th birthday. Engrande daw ang handaan, at ang ate-atehan kong si Mama, excited na parang walang nangyari.

Kanina, habang nag-aayos kami ng guest list (na ako rin ang magbabayad sa catering, by the way), may inabot sa akin si Mama na listahan ng "special guests."
Nakalagay doon, "Tita Evelyn & Kids."

Si Evelyn yung babaeng sumira sa pamilya namin. At yung "Kids"? Yun yung mga naging anak ni Papa sa labas habang kami ay nagtitiis sa de-lata noon.

Sabi ko kay Mama, "Ma, ano 'to? Bakit sila nandito?"
Ang sagot sa akin ni Mama, matanda na raw ang Papa ko at gusto lang niyang maging kumpleto ang lahat ng anak niya bago man lang siya mawala. Sinabihan pa ako na "Christian tayo, kailangan nating matutong magpatawad."

Sabi ko, hindi ako magbabayad ng catering kung nandoon yung mga taong naging dahilan kung bakit ako nag-working student at muntik nang hindi makapagtapos ng pag-aaral. Ako nagpakahirap para maabot kung anong meron ako ngayon, sila nagpakasarap sa pera ni Papa. 

Sinabihan nya ako na "walang utang na loob" dahil lang ayaw kong pakainin yung kabit at yung mga anak sa labas ng tatay ko gamit ang sarili kong pera.

Ngayon, ang buong side ng pamilya ng Papa ko, pini-peste ang Messenger ko. Sinasabihan akong "inggitera" at "makitid ang utak." Kesyo wala raw kasalanan yung mga bata (yung mga anak sa labas). Pero nung kami yung mga batang nagugutom noon, nasaan sila? Ni kumusta hindi nila nagawa. Ni hindi nga nya nakilala ang kapatid ko nung nagkasalubong sila sa Mall before. 

Ang malala pa, nalaman ko na kaya pala gustong-gusto ni Mama na nandoon yung kabilang pamilya ay dahil balak ni Papa na ipakilala yung panganay niyang anak sa labas sa company na pinagtatrabahuhan ko, at ako raw ang dapat mag-refer para "mapalapit" kaming magkakapatid.

Ang kapal ng mukha. Ako na ang niloko, ako pa ang gagawing stepping stone.
Balak ko nang hindi sumipot at bawiin yung bayad sa catering sa mismong araw ng party. Bahala silang mag-kamay sa harap ng mga bisita nila.

(Ipagpatuloy sa comment section)

#lifestyle #cheating #truestory #FamilyDrama #confession #storytelling #relationships #yourstory #storytime

Continuation 💌 
(Part 1)

Hindi ako ako masisisi kung bakit mahirap sakin ang magpatawad at makalimot, dahil tandang tanda ko pa ang lahat. 

2018 nun, nagkasakit ng pneumonia ang kapatid ko. Si Mama, wala nang malapitan. Ubos na ang lahat sa amin kasi nung lumayas si Papa, pati yung puhunan ni Mama sa maliit niyang tindahan, tinangay niya. Okay nalang yung makakain kami isa o dalawang beses sa isang araw nun. 

Kahit ayoko, pumunta ako sa bahay nila na dati rin naming bahay na pinapaupahan nun. Dun nya binahay ang kabit nya. Pinapasok naman ako ng kasambahay at nandun silang dalawa tapos may anak na sila kasama yung panganay na anak nung kabit nya. 

Sinabihan ko syang nasa hospital kapatid ko, na anak nya. Kahit manghiram muna ako sa kanya at babayaran ko pag nakahanap na ako ng extra. 

Binigyan nya ako ng 300 pesos at anong sinabi nya sakin? "Heto pambili mo ng meryenda, wag ka nang magpautos sa Mama mo na pumunta dito, nakakaabala kayo sa ibang tao. May kanya kanya na tayong buhay.

Masama ba akong anak? It was 8 years ago pero bawat salitang sinabi nya naaalala ko pa.

No comments: