Mga manggagawa rin naman ang nagbabayad. Buong buhay ng manggagawa, kinakaltasan siya sa sahod bilang kontribusyon sa SSS. Tapos, nung dumating ang panahong siya'y namahinga, ni hindi manlang mapakinabangan ang kanyang pinaghirapan at pinagtrabahuhan.
This is not to mention, 209 million pesos of late payments which SSS has not released to contributors. In some cases, up to 18 years overdue. Kapag manggagawa ang late, na nakapagbayad ng loan o utang, napakabilis at napakabigat ng penalty. Pero kapag SSS ang late magbayad sa mga manggagawa, wala manlang accountability.
Sa papel, napaakaraming benepisyo at kaginhawaan sana ang kayang ibigay ng SSS. Pero sa katotohanan, nalulunod ang mga manggagawa sa gastusin sa sandamukal na dokumento. Ang legal fees, ang security na sana'y inaasahan, ay hindi na dumadating dahil sa hirap ng mga requirements at mga proseso.
It is no wonder na sa latest report ng ARTA, numero uno ang SSS sa most complained GOCCs. Habang hirap na hirap tayong makakuha ng benepisyo sa SSS, ang mga executives naman nito ay nagpapakasasa at napakasasarap ng buhay. Recently, COA flagged 333 million pesos of employee bonuses not backed up by sufficient justification.
Ganito ho ang ginagawa sa pinagsamasamang pera ng mga manggagawa sa pribadong sektor: pinamumudmod sa mga executives at mga board members, habang tayo, ang mga manggagawa, ay halos mankluhod at maglupasay makuha lang ang benepisyong galing din naman sa pawis natin, pinagtrabahuhan naman natin, pinaghirapan naman natin.
Where is Social Security ang tiyak na may security lang ay ang mga opisyal ng SSS. Matatawag pa bang Social Security System o Stress, Singil, at Suffering System na ba? Kausapin po natin ang mga mamamayan para makita natin ang tunay na kalagayan ng SSS."
-KAMANGGAGAWA PARTYLIST, ELI SAN FERNANDO

No comments:
Post a Comment