Sinampahan na ng SEC ng kasong kriminal ang Villar Land dahil sa market manipulation, insider trading, at misleading disclosures. Kung natatandaan nyo, natagalan sa pag-submit ng financial statements sa SEC ang Villar Land. Ayaw kasi pirmahan ng external auditor ang report dahil overstated ang land valuation.
Natanggalan ng license ang appraiser. Kinasuhan pa yata, kung di ako nagkakamali.
Noong nag-submit ng tamang financial statements ang Villar Land, bumagsak ang net worth nito. Hindi na rin si Manny Villar ang richest Filipino, as per Forbes.
Kasama sa kaso ang mag-anak na Villar, kasama ang ibang directors at independent directors.
Ganun din, inakusahan si Camille Villar ng insider trading. Bumili sya ng shares of stock ng kumpanya noong December 2017 bago pa i-release ang corporate disclosure na syang nagpataas ng share price ng company.
Ipapaliwanag ko lang ang ilang punto:
One, OVERSTATED. Ibig sabihin nyan, kung ang talagang halaga lamang ng asset/ari-arian ay piso, ginawang mas mataas pa sa piso ang valuation sa financial statement. Dahil dito, tumaas din ang net worth ng kumpanya. Sa mata ng investors, magandang mag-invest sa kumpanya dahil nga umuunlad ito. Ang hindi nila alam, overstated ang asset.
At ito ang nadiskubre noong ayaw pirmahan ng external auditor (Is it Punongbayan ba?) ang financial statement para isumite sa SEC. Ang ending, napatawan ng milyong multa ang Villar Land. Natanggalan ng license ung appraiser at kinasuhan na ang pamilya Villar at ilang officers ng kumpanya.
Two, INSIDER TRADING. Bawal yan. Ibig sabihin nyan, meron kang info sa kumpanya na hindi available sa iba kaya nag-desisyon kang bumili o magbenta ng shares of stock. Kapag favorable ung info na nakuha mo sa kumpanya, bibil ka ng maraming shares para kumikitang kabuhayan ka kapag tumaas ang share price.
Kapag naman unfavorable ang info na nakuha mo, mag-dispose ka ng shares mo dahil tiyak na pag pumutok ang balita, bagsak ang share price. Kumbaga, inunahan mo na para hindi ka makasama sa pagkalugi.
Kaya ipinagbabawal yang insider trading dahil nga clueless ang ibang investors kaya nalulugi sila.
Sa kaso ni Camille, bumili sya ng maraming shares bago pa mailabas ang report ng kumpanya.
Sa stock trading, law of supply and demand pa rin ang umiiral. Kapag marami ang buyer at konti lang ang shares available, tataas ang presyo. Kapag konti ang buyer pero marami ang shares available, bababa ang presyo.
Sa ginawa ni Camille, alam nyang favorable ung report kaya bumili na sya ng maraming shares. Noong inilabas ang report, naging interesado ang maraming investors dahil favorable nga. Eh since nauna syang bumili at a low price, para syang nanalo sa lotto nang hindi naman tumataya.
Isa pang punto, tigilan nyo na yang paniniwala nyong may matinong businessman. WALA. Kaya yumayaman yang mga yan dahil sa kamalasaduhang ginagawa nila na hindi natin alam.
WALA NANG RAGS TO RICHES NGAYON. BURST THAT BUBBLE. PAG YUMAMAN KA, KORAP KA. UN LANG UN.
No comments:
Post a Comment