Saturday, October 03, 2026

Bitay dapat.

"Kapag nagnakaw ka o nasa puder ka 
ng gobyerno nagtatrabaho, dapat bitay
 para ng sa ganon wala ng gumaya pa na iba."

Napanood ko yung video 
kamakailan ni Bayani Agbayani
sa Fast Talk ni Tito Boy.

At base rin sa mga nakikita ko
na comments sa iba't ibang
social media platform,
marami ang mag-aagree dito.

Isipin mo nga naman...

Sa panahon ngayon,
sobrang laganap ng 
korapsyon dito sa ating bansa.

Pero tila ba walang nangyayari.

May mga nababalitang
involve or suspect pero hanggang
ngayon walang nakukulong,

walang hustisya
at patuloy pa rin ang sistema.

Nakakalunkot lang sa isang banda
kasi maraming empleyado,
negosyante at araw-araw kumakayod,
nagtatrabaho at nagbabayad ng buwis.

Pero yung mga pinaghihirapan 
ay napupunta lang sa bulsa ng iilan
na dapat ay pinakikinabangan ng
mamamayan.

Kaya hindi na rin nakakapagtaka
kung bakit maraming tao ang nagtatanong

"Bakit parang ang baba ng kalidad ng edukasyon natin?"
"Bakit hindi masulusyonan ang transportation
at traffic problem?"
"Bakit kapag nahospital ako sobrang mahal ng bills at gamot?"
"Bakit kahit anong sipag ko, parang hijdi pa rin sapat?"

Kasi gaya nga ng sinabi ni Bayani:
"Parang ginagawa nilang negosyo ang pagpasok sa gobyerno."

Kung baga pangsariling interest 
na lang nila ang inuuna sa halip na 
maglingkod ating bayan.

Hindi na maramdaman ng mga taxpayer
ang sukli ng kanilang pinaghihirapan.

Lalo na sa mga negosyanteng
sobrang hirap ng tax compliances.

Hindi rin naman natin pwedeng 
sabihin na:

"Bitayin ang mga kurakot."

Kailangan pa rin nating sundin
ang justice system para sa tamang proseso.

Pero ang tanong lang natin ay,

"Paano ba masusugpo ang korapsyon ng walang kinikitil na buhay?"
at "Kailan ba mararamdaman ng mamayan ang balik sa hirap na pinagdadaanan nila?"

EC TAXPH Reminder
• Magkaroon dapat ng transparency ang gobyerno para hindi mawala ang tiwala ng taong-bayan.
• Hindi pagkitil ng buhay ang mismong sagot para lang maitama ang mga pagkakamali
• Kailangan pa rin nating sumunod sa batas at guidelines ng gobyerno para sa mas maayos na bansa.

P.S. For tax and bookkeeping updates
Join EC TAXPH Business Community 
Sa loob pwede ka makaaccess sa trainings, tools and bookkeeping system.
Pagpasok mo sa group, click mo yung FEATURED POST.
Andun yung complete instructions kung paano ka makakaaccess.

#ECTAXPH #Taxpayers #Buwis #Corruption #Pilipinas

No comments: