Kung may 6 units na apartment at ₱6,000 ang buwanang renta bawat unit, ito ang posibleng bayarin sa BIR ngayong 2026.
1. Kabuuang kita sa apartment
Assuming lahat ng units ay occupied at walang delayed payment.
=6000*6=36000*12=432,000 in one year
2. Magkano ang BIR tax?
VAT at Percentage Tax: ₱0
Kung residential apartment ang lahat ng units at ₱6,000 lang bawat buwan, exempt ang renta sa 12% VAT at 3% Percentage Tax dahil hindi lalampas sa ₱15,000 ang renta bawat unit.
Income Tax: Depende sa registration.
Kung nakapangalan sa individual at kwalipikado sa 8% income tax option, at wala nang ibang income:
₱432,000 − ₱250,000 = ₱182,000
₱182,000 × 8% = ₱14,560 kada taon, o katumbas na humigit-kumulang ₱1,213 kada buwan.
Pero maaari ring mas mababa ang babayaran sa graduated income tax kung may allowable deductions.
Kung nakapangalan naman sa corporation, karaniwang 20% o 25% ng taxable net income ang corporate income tax, depende sa qualifications. Hindi ito direktang porsiyento ng buong ₱432,000.
No comments:
Post a Comment