Saturday, October 24, 2026

Pagod na ang nasa baba.

SISTEMA NG PINAS GINAWA PARA YUMAMAN YUNG NASA TAAS, AT MAPAGOD YUNG NASA BABA 

REAL TALK

Ganito sistema natin tol. Pakinggan mo.

SA PINAS, PAG MAHIRAP KA, MAS MAHAL MANINGIL SISTEMA SAYO.

Mahirap ka? Mas mahal singil sayo.

Wala kang kotse, mag jeep ka - 20 pesos kada sakay, 4 na sakay isang araw, 80 pesos agad. Yung may kotse, 100 pesos gasolina buong araw na.

Mahirap ka, uutang ka sa 5-6, 20% tubo. Mayaman, uutang sa bangko, 1% lang tubo.

Mahirap ka, bibili ka tingi-tingi. Isang sachet ng kape 15 pesos. Yung mayaman bumibili isang kilo, mas mura. Mas mahal pa gastos ng mahirap kaysa mayaman.

Sistema yan tol. Yung mahirap, mas pinapamahal pa buhay. Yung mayaman, mas pinapamura pa.

Kaya mahirap makaahon mahirap sa Pinas. Kasi habang mahirap ka, mas mahal lahat sayo. Habang mayaman ka, mas mura lahat sayo.

SA PINAS, PAG MASIPAG KA, MAS MARAMING KUKUHA SAYO. PAG TAMAD KA SA GOBYERNO, MAS MARAMING KITA.

Ikaw, nagtatrabaho 12 hours, kaltas tax mo agad. SSS, Pag-ibig, Philhealth. Wala ka pang sahod, kaltas na.

Yung politiko, nakaupo lang, may sahod na 200k buwan-buwan, may kickback pa sa project na bilyon-bilyon.

Ikaw, maliit na sari-sari store, may BIR, may mayor's permit, may barangay permit, may sanitary permit. Lahat may bayad.

Yung malaking negosyante na kaibigan ng politiko, tax free pa sa PEZA.

Ikaw, pag nagkasakit ka, pila ka sa public hospital 12 hours bago ka asikasuhin.

Yung politiko, pag nagkasakit, sa St. Lukes agad, gobyerno pa magbabayad.

Sistema ginawa para pag masipag ka sa baba, ikaw kakaltasan. Pag tamad ka sa taas, ikaw kikita.

SA PINAS, GINAGAWANG NORMAL ANG ABNORMAL.

Sa Pinas, normal na ang 6am to 8pm na trabaho.
Normal na ang 500 sahod 12 hours.
Normal na ang traffic 3 oras.
Normal na ang baha hanggang tuhod.
Normal na ang pila sa ayuda.
Normal na ang korap.

Ginawang normal ng sistema lahat ng abnormal para hindi ka na magreklamo. Para sabihin mo na lang "ganyan talaga sa Pinas."

Pero tol, hindi ganyan talaga. Ginawa lang nilang ganyan.

Sa ibang bansa, abnormal ang 12 hours trabaho 500 sahod. Sa Pinas, normal.

Sa ibang bansa, abnormal ang pulitikong nagnanakaw tapos iboboto ulit. Sa Pinas, normal.

Kasi pag ginawa nilang normal ang abnormal, hindi mo na papangarapin yung normal na buhay. Makukuntento ka na lang sa abnormal na buhay.

SA PINAS, HINDI KA BIBIGYAN NG SISTEMA NG DAAN PARA YUMAMAN. BIBIGYAN KA NG DAAN PARA MANATILING MAHIRAP.

Tignan mo.

Gusto mo mag-aral? Mahal tuition. Kaya uutang ka. Pag utang mo, baon ka na agad.

Gusto mo magtrabaho? 600 lang sahod. Kaya kapos ka. Pag kapos ka, uutang ka ulit.

Gusto mo mag-negosyo? Ang daming permit. Ang daming lagay. Kaya ayaw mo na lang.

Gusto mo mag-abroad? Ang daming fixer. Ang daming ahensya na manloloko. Kaya yung iba naloloko pa bago makaalis.

Lahat ng daan papuntang yaman, hinarangan ng sistema. Lahat ng daan pabalik sa hirap, binuksan ng sistema.

Kaya yung tao sa Pinas, ikot-ikot lang. Aral, trabaho na kapos, utang, bayad utang, trabaho ulit. Paulit-ulit hanggang tumanda.

Walang daan palabas. Kasi yung sistema ayaw ka palabasin.

KAYA KUNG NAIIINTINDIHAN MO NA SISTEMA NG PINAS, DALAWA LANG GAGAWIN MO.

Una - magreklamo ka habang buhay sa Facebook at manatili kang mahirap at pagod sa sistema.

Pangalawa - gamitin mo sistema para makaalis sa sistema.

Mag-aral ka ng skill na hinahanap sa abroad kahit sa YouTube lang libre.
Mag-ipon ka kahit 50 pesos araw-araw pang requirements.
Maghanap ka ng legit na agency, wag sa fixer.
Magtiis ka ng isang taon sa pag-aapply, para sampung taon kang makalaya sa sistema ng Pinas.

Kasi tol, hindi mo mababago sistema ng Pinas mag-isa. Malaki masyado. Matagal na bulok.

Pero mababago mo sistema ng buhay mo. Kaya mong umalis sa sistema ng Pinas.

At pag nakaalis ka na, dun mo maiintindihan na yung sistema ng Pinas pala ang dahilan bakit ka laging pagod at kapos.

At pag nasa abroad ka na, ikaw na bahala kung gusto mo pa bumalik sa sistema na yun, o gusto mo na manatili sa sistema na pinapahalagahan pagod mo.

Tandaan mo - hindi ka pinanganak para habang buhay na pagod at kapos sa Pinas.

Pinanganak ka para gamitin yung sipag mo sa lugar na may bayad talaga sipag mo.

At hindi sa Pinas yun tol. Alam mo yan.

#hosonpoint #hustleoverslavery

No comments: