Thursday, October 29, 2026

Gobyerno nag export ng tao.

KAYA PALA MARAMING GUSTO MAG-ABROAD, KASI MISMO GOBYERNO NAG-EXPORT NG TAO, HINDI NG TRABAHO

Bakit? Kasi may bansa na nag-iimport ng trabaho para sa tao nila.
Tayo, nag-eexport ng tao para sa trabaho ng ibang bansa.

Real talk:
Estratehiya ng Pilipinas sa loob ng 40 years magpadala ng Pilipino sa abroad.

May POEA para paalisin ka.
May OWWA para singilin ka.
May OEC para pahirapan ka bago umalis.
Pero wala tayong malinaw na plano para yung TRABAHO mismo ang dalhin dito.

Sa Pilipinas:
"Halika investor may red tape, may brownout, may permit sa barangay, mayor, DENR, BIR, at may SOP pa."
Resulta: umalis investor, pumunta sa Vietnam.

Kaya anong naiwan? OFW.

Remittance ng OFW: $40 BILLION kada taon. Yan ang bumubuhay sa ekonomiya natin.
Kaya sanay na sistema: okay lang na walang trabaho dito, kasi may mag-aabroad naman na magpapadala ng dollars.

Hindi mo kasalanan na gusto mo mag-abroad. Sistema ang nagtulak sayo.

Bata ka pa lang tinuruan ka na:
"Mag-nursing ka, para maka-abroad."
"Mag-seaman ka, para maka-abroad."
"Mag-caregiver ka, para maka-abroad."

Walang nagsabi na:
"Mag-engineer ka, dito ka gagawa ng barko natin."
"Mag-IT ka, dito ka gagawa ng Google ng Pilipinas."

Kasi mismo sistema, hindi naniniwala na may futuro ka dito.

Kaya wag ka mag-guilty kung gusto mo umalis.
Hindi ka nagiging makasarili.
Nagiging practical ka lang sa bansang mas magaling mag-export ng tao kesa mag-import ng trabaho.

At hanggat ang solusyon ng gobyerno ay job fair at hindi factory,
mananatiling number 1 tayo — hindi sa trabaho, kundi sa dami ng umaalis.

#hustleoverslavery #OFW #Unemployment #RealTalk #BuhayPinas #MagAbroad

No comments: