Hollow candles ay isa sa pinakaconfusing na candlestick chart kapag hindi mo naiintindihan ang basic concepts ng candle formation nito.
Sisimplehan natin yan sa para magamit ninyo at maiapply ang idea.
Go to Tradingview. Change your chart to Hollow Candles.
(See pic #1)
It will look like this.
(See pic #2)
Lagay natin side by side sa traditional candlestick. Lets use ALI chart.
(See pic #3 and #4)
Ano ang pinagkaiba ng Hollow Candles?
Visual.
Visually ay magkaiba sila.
Let me explain muna ano ang nakikita mo sa hollow na candles.
Simulan natin sa solid at hollow.
Kapag hollow ay meaning niyan mas mataas ang closing price kesa sa opening price.
Kapag naman solid ang candle, meaning niyan ay mas mababa ang closing price kesa sa opening price ng candle na yan.
Yung hollow at solid ay nakadepende sa opening price at closing price ng candle.
(See pic #5 and #6)
Clear na?
Yung kulay naman ng candle ay nakadepende sa current price versus sa previous candle na price just like sa normal na candlestick chart.
Green ang candle kapag mas mataas ang closing price ng current candle compared sa closing price ng previous candle.
Red naman kapag mas mataas ang closing price ng previous candle compared sa closing price ng current candle.
(See pic #7)
Recap.
(See the rest of the pictures)
Kung gusto mo naman mas pasimplehan.
Kapag hollow ay mataas ang closing price kesa sa opening price.
Yan lang tatandaan mo.
Nag-open sa baba at nagclose sa taas equals hollow candles.
I hope nakatulong ito.





No comments:
Post a Comment