IBANG BANSA VS. PILIPINAS: DITO MO MAKIKITA KUNG GAANO KA NALOKO
Sa ibang bansa, 18 years old ka pa lang, tinuturuan ka na paano kumita, paano mag-invest, paano magnegosyo.
Sa Pinas, 18 years old ka, tinuturuan ka paano pumila sa job fair at makiusap na "Sir baka may bakante po."
Sa ibang bansa, pag nagsipag ka, may ipon ka.
Sa Pinas, pag nagsipag ka, may TAX ka.
Sa ibang bansa, yung minimum wage nila, nakakabili ng bahay at kotse.
Sa Pinas, yung minimum wage mo, kulang pa pang-down sa motor na hulugan.
Sa ibang bansa, pag sinabi mong freelancer ka, may respeto.
Sa Pinas, pag sinabi mong freelancer ka, tatanungin ka "Wala ka bang matinong trabaho?"
Sa ibang bansa, pinapayaman nila yung masisipag.
Sa Pinas, binibigyan ng ayuda yung tamad, tapos kakaltasan yung masipag.
Kaya wag ka magtaka kung bakit maraming Pilipino ang gustong umalis.
Hindi dahil hindi nila mahal ang Pinas.
Kundi dahil sa Pinas, kahit anong sipag mo, parang wala pa rin.
Kung relate ka, Ano pa naiisip mo, pinag kaiba ng pinas sa ibang bansa?
No comments:
Post a Comment