Friday, October 16, 2026

Meralco bill deposit.

 According to Archer Laurel Miranda He used to work DAW sa Meralco and here's his EXPLANATION I think there’s a huge misunderstanding here. I used to work in MERALCO.
for the context:
1. ang bill deposit ay binabayaran natin one time during contract signing, kung kelan ka nag apply para magkaroon ng sariling metro.
2. Ano ang basis ng computation para sa siningil na bill deposit? ang load schedule mo or list of existing appliances during nung time na nag apply ka. so kung minimum lang appliances mo, minimum rate is 1,800. pero kung may aircon ka etc iba ang computation non.
3. ano ang purpose ng deposit? wala itong kinaibahan sa pagrerent ng apartment. db pag nagrerent tayo may 1 month advance or deposit. kung ano man damage or utang na maiwan ibabawas don. sa case ng meralco, oras na materminate ang service mo or mabatak ang meter mo at may naiwan kang utang ibabawas nila sa bill deposit mo yon para kung ano matira yun nlng dapat bayaran.
4. kung nagbayad na kami noon, bakit pa kmi magbabayad ngayon? kasi kung mgkno lang ang bnayad mong deposit considering na ito ay ni-compute based sa existing mong appliance dapat ganun lang din ang average mong konsumo. example: ang binayad mong deposit during nung time na nag apply ka ay 1,800, dapat nasa around 1,800 lang din ang monthly bill mo. sa madaling salita. kung magkano ang deposit mo ganun lang din dapat ang konsumo mo. sa loob ng isang taon mula nung nagbayad ka ng deposit ichecheck ng MERALCO kung talaga bang tugma ang bnayaran mo based sa totoong konsumo mo. oras na tumaas ka or example ang naging average consumption mo ay 3000 pero ang binayaran mo lang na deposit ay 1,800 ung difference na 1,200 ay sisingilin sayo bilang karagdagan dahil dapat pantay ang deposit at konsumo.
5. paano naman kung mas mababa ang average na konsumo nmin ng isang taon kumpara sa dineposito nmin? example ang deposit mo ay 1,800 at ang average cons. mo lang ay 1000 ano mangyayare sa 800? automatic ileless or irerefund ito sayo after 1 year.
6. SUMATOTAL, maintained dapat ang konsumo. pag tumaas ka after 1 year sisingilin ka ng dagdag deposit pag nmn bumaba ka ibabalik sayo as refund. taon taon itong chinecheck kaya taon taon ka maaaring magkaroon ng dagdag o bawas.
7. paano maiiwasan ang dagdag or refund? para di ka maguluhan? i-maintain mo ang konsumo mo. kung 1,800 lang dineposit mo nasa 1,800 lang din dapat ang bill mo kada bwan.
8. May paraan ba para marefund ko ng buo ang deposit ko kahit na active ang account ko? Meron, dapat in 3 consecutive years ay wala kang late payment. pero oras na di mo ito ma maintain, sisingilan ka ulit.
9. bakit laging may other charges/bill deposit sa bill? kasi installment itong sinisingil for 12 months, pwede mo itong bayaran ng buo kung gusto mong mawala na sya sa bill mo.
10. bakit ba kailangan may deposit? kahit na highly regulated na kompanya ang meralco negosyo parin ito. katulad ng naunang nabanggit na example, sa pagpaparent ng apartment, kung may maiwan silang utang at materminate ang service, dito kukuhanin ang pambayad.
at para makaiwas dito or para mag result sa kabuuang refund kailangan mo rin i-establish ang credit standing mo ng 3 years. kaya payag ang MERALCO na i-refund ito ng buo for as long as wala kang delayed payment in 3 years.
*it’s either hindi naipaliwanag sainyo ito ng maayos or hindi ninyo naunawaan nung pinaliwanag.
Hope this helps. Take care po.

No comments: